PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jennylyn Mercado reposts message about protecting one's peace

Jennylyn Mercado: "I'm saying no w/out feeling guilty."
by Arniel C. Serato
Published Jan 15, 2026
Jennylyn Mercado reposts message about protecting her peace
Jennylyn Mercado reposts message about protecting one’s peace amid alleged issue involving Dennis Trillo’s family.
PHOTO/S: Instagram

Hindi pa sumasagot si Jennylyn Mercado sa isyung hindi umano maganda ang relasyon niya sa mga magulang ng asawang si Dennis Trillo.

Sa halip, nagbahagi ng mensahe ang Kapuso actress na tila sagot sa mga mapanirang tsismis.

Sa Instagram kahapon, January 14, 2026, ni-repost ni Jennylyn sa kanyang IG Story ang mensahe mula sa Instagram acocunt na @mytherapytribe.

Naka-all caps dito ang mga salitang "IT'S TIME I START PROTECTING MY PEACE"

Nakalista rito ang mga bagay na dapat gawin ng isang indibidwal upang maprotektehan ang inaasam nitong katahimikan.

Kabilang dito ang mga sumusunod:

"I'm skipping gatherings that drain me instead of energize me"

"I'm prioritizing my healing over their expectations"

"I'm detaching from the drama I didn't sign up for"

"I’m refusing to be the fixer for everyone's chaos"

“I'm saying no w/out feeling guilty"

"I'm accepting that some relationships function better with distance

“I'm no longer explaining myself to people committed to misunderstanding me"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Jennyln Mercado cryptic message

Read: Transformation ni Michael Pacquiao trending topic sa social media

DENNIS TRILLO DEFENDS WIFE JENNYLYN AGAINST NAYSAYERS

Ang asawa ni Jennylyn na si Dennis Trillo ang sumagot sa mga ibinabatong intriga sa aktres, partikular na ang hindi umano magandang relasyon nito sa mga magulang ng aktor.

Sa kanyang Facebook noon January 10, 2026, ipinagtanggol ni Dennis ang asawa laban sa mga isyung ipinupukol dito.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Giit ni Dennis, mabuting tao si Jennylyn at mapalad siyang siya ang pinakasalan nito.

Hindi rin daw showbiz ang mga magulang niya kaya huwag na raw kaladkarin ang mga ito sa intriga.

Dagdag pa ni Dennis, hindi lang nagtutugma ang schedule nilang mag-asawa sa schedule ng kanyang mga magulang.

Buong pahayag ni Dennis: "Sa mga hindi po nakakakilala sa aking asawa, isa siya sa pinakamabuting tao sa buhay ko. Isang pribilehiyo na ako ang pinili niyang makasama habang buhay.

"Ang mga magulang ko naman ay may edad na po. Hindi din sila showbiz at tahimik lang sila na namumuhay... wag naman sana sila bigyan ng isyu.

"Mahal na mahal ko po silang lahat at Maayos ang samahan namin kahit di man kami madalas nagkakasama dahil sadyang busy ang aming mga schedules.

"2026 na po, magfocus nalang tayo sa pagiging mabuting tao. Madaming problema ang ating bansa na mas kailangan nating pagtuunan ng pansin.

"Maiksi lang ang buhay, piliin natin maging masaya at mabuti araw araw."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Dennis Trillo says "no issue" between wife Jennylyn, his parents

Nauna na ring ipinagtanggol ni Becky Aguila ng Aguila Entertainment si Jennylyn na kanyang alaga.

Read: Jennylyn Mercado manager quashes rumor about actress and in-laws

Nagsimula ang isuy sa lumabas sa Ogie Diaz Showbiz Update sa YouTube nitong nakaraang January 8, 2026.

May nagparating daw kay Ogie ng tanong kung gaano katotoong hindi okay si Jennylyn sa kanyang in-laws o sa mga magulang ni Dennis.

Sa apat na taon nilang magkasama bilang mag-asawa, hindi raw nagparamdam si Jennylyn sa pamilya ni Dennis.

Read: Beauty queen Sara Jane Paez passes away at 57

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jennylyn Mercado reposts message about protecting one’s peace amid alleged issue involving Dennis Trillo’s family.
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results