PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jake Zyrus's story about alleged sexual abuse resurfaces

Raquel Pempengco fires back at bashers after Jake's memoir resurfaced online.
by Khryzztine Joy Baylon
Published Mar 3, 2025
jake zyrus mother raquel pempengco
An excerpt from Jake Zyrus's 2018 memoir, I Am Jake, resurfaces online. The excerpt is about the sexual abuse Jake allegedly experienced from his own uncle when he was just six years old. On the other hand, Jake's mother, Raquel Pempengco (inset), has become a target of netizens after reading the excerpt.
PHOTO/S: Instagram / Facebook

Trigger warning: This article contains details of sexual abuse

Sunud-sunod ang pahaging ni Raquel Pempengco sa social media matapos mag-viral online ang lumang libro ng kanyang anak na si Jake Zyrus—dating kilala bilang Charice Pempengco.

Sa memoir ng singer na I Am Jake, na inilabas at nailimbag noong 2018, inilahad ni Jake ang mga pinagdaanan niya — mula noong siya'y bata pa hanggang sa mag-out siya bilang miyembro ng LGBTQIA+ (lesbian, gay, bisexual, transgender, queer, questioning, intersex, asexual) community noong June 2013.

Raquel Pempengco's cryptic post amid Jake Zyrus resurfaced memoir
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Goodbye Charice, welcome Jake Zyrus!

JAKE ZYRUS REVEALS HE WAS SEXUALLY ABUSED

Kabilang sa maselang ibinahagi ni Jake sa libro ay ang pangmomolestiya umano sa kanya ng sariling tiyuhin noong siya ay anim na taong gulang pa lamang.

Idinetalye ni Jake sa page 93 ng nasabing libro kung paano umano pinagsamantalahan ng kanyang amain ang kahinaan niya bilang bata na walang kamuwang-muwang.

Mababasa rito: "I was six years old when an uncle began sexually abusing me. The first time it happened, I was playing in the living room while he drew. He looked up from the sketches he was making and called me over. 'Come here. I'll draw you,' he said.

"Even at that age, my instincts told me something bad was going to happen. But I had no choice but to follow him. As he drew me, my mind quickly shifted to denial.

"My uncle then asked me to come with him to his room. We were going to sleep, he told me. Even if I had said no, I was so small and helpless. All he had to do was pick me up.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Of course we didn't sleep. He lay behind me, spooned me, and started touching me all over.

"My uncle, supposedly my second father, asked me to touch his genitals. I refused to move and didn't talk.

"I just lay there stiffly, waiting for the nightmare to be over. I think that disappointed him.

"He gave up, and breathed a sigh of relief, thinking that was it; that he would never touch me again. I was wrong.

"The sexual abuse happened again and again and again the entire year that we lived with him in my grandmother's house."

Read: Jake Zyrus on hiding his sexual orientation

Ang malala pa raw rito, may pagkakataong naroon din sa kanilang bahay ang iba pa nilang kamag-anak habang may ginagawa kay Jake ang kanyang tiyuhin.

Bagamat palagi ring kasama ni Jake sa bahay ang nakababatang kapatid niyang si Carl "Cocoy" Pempenco, hindi umano nito nakita ang mga karumal-dumal na ginagawa sa kanya ng kanilang tiyuhin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Kapatid ni Jake Zyrus na si Carl, na-mild stroke habang nakamotorsiklo

Gustuhin man daw magsumbong noon ni Jake ay nauunahan siya ng takot dahil sa pagbabanta ng kanyang tiyo na siya'y papatayin nito kung siya ay magsusumbong at magsasalita.

Pagbabalik-tanaw ni Jake: "The fact that my mother was never home during the day made it easy for him to assault me whenever he wanted. There was no one to watch over Coycoy and me. And even though my brother was always in the house with me, somehow, he never saw the horrible things that happened.

"At night, when we'd be watching TV, my uncle would suddenly pick me up, put me on his lap, and warn me not to move. 'I'll teach you something,' he'd say, and start kissing me torridly.

"Believe it or not my other family members were there. I could hear my relatives cooking and talking among themselves in the kitchen while my uncle was abusing me.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"During those times I kept wishing someone would see. 'Please let someone see.'

"His grip was so tight on my small frame, and he always punctuated these attacks with the same threat: 'If you tell anyone, I'll kill you."

"It was something he was actually capable of. Like I said, violence runs in our blood."

Read: Raquel Pempengco, iginiit na di nagparamdam si Jake Zyrus hanggang ma-cremate ang lola at uncle ng singer

JAKE TELLS RAQUEL ABOUT THE SEXUAL ABUSE

Lumipas daw ang labinlimang (15) taon bago nagkalakas-loob si Jake na sabihin sa kanyang ina na si Raquel Pempengco ang pangmumolestiya sa kanya ng tiyuhin.

Nangyari raw ito nang banggitin ng kanyang ina na iimbitahan nitong magbakasyon sa bahay nila sa Tagaytay City ang tiyuhin ni Jake.

Nang marinig daw ni Jake ang pangalan ng nangmolestiya sa kanya ay agad daw nanumbalik ang mapait na karanasan.

Hanggang sabihin na niya sa ina ang ginawang kababuyan noon ng kanyang tiyuhin.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ngunit ang masaklap, imbes na panigan at kaawaan ay hindi raw pinaniwalaan ni Raquel ang rebelasyon ni Jake.

Pagbabalik-tanaw ni Jake: "Fifteen years later, I told my mother about the abuse. We were inside the car with Coycoy and she was reprimanding us over something I can no longer remember.

"All of a sudden, she mentioned that she was going to invite my assailant to our Tagaytay House.

"This triggered my anger and the shift in my mood showed on my face. She asked me why I was being sullen when my uncle helped us so much in the past.

"Mommy wouldn't drop it so I finally said, 'He did something to me.' She didn't believe me. She called my uncle up and asked if my accusations were true.

"Of course he denied it, so Mommy got mad at me instead. She told me I had a lot of nerve to be making up stories about the old man."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Nanay ni Charice, nag-react sa viral performance ni Stell

NETIZENS SYMPAThize WITH JAKE

Makalipas ang halos pitong taon mula nang mailimbag ang libro ni Jake ay muli itong pinag-uusapan ngayon sa social media.

Ito'y matapos i-upload ng isang netizen online, noong March 1, 2025, na nabasa umano niya sa kauna-unahang pagkakataon ang mga rebelasyon ni Jake.

Agad humakot ng reaksiyon ang post na ito, kunsaan maraming netizens ang nakisimpatiya sa mapait na yugtong pinagdaanan ng trans man na si Jake.

Read: Raquel Pempengco says "nothing compares" to Charice's singing after watching David Foster's concert

Komento ng isang netizen (published as is): "Now I understand why Jake Zyrus left his family."

Saad ng isa: "I finally understand why Charice is now Jake Zyrus. I feel so sorry for everything he has been through."

May iba ring ibinaling ang sisi sa nanay ni Jake na si Raquel dahil hindi umano nito pagtitiwala sa kanyang anak noon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ng isa (published as is): "This is the sad truth of MANY VICTIMS. Instead na tulungan o damayan sila, sila pa ang nabe-blame. Kaya tuloy maraming takot mag-speak up dahil sa takot na di sila paniniwalaan...Rason kaya mas nais na lang magrebelde, baka sakali sa paraang ito matakasan ang sakit na idinulot ng nakagawa ng masama sa kanila."

Dagdag pa ng isa: "Ang ina ang unang dapat maniwala at magtiwala sa anak."

RAQUEL POSTS CRYPTIC MESSAGES

Matapos mag-viral ang excerpts mula sa libro ni Jake ay sunud-sunod ang posts ng kanyang nanay na si Raquel Pempengco.

Hindi direktang tinukoy ni Raquel kung ano ang pinanggagalingan ng kanyang posts, ngunit ilang beses niyang inulit ang salitang "libro."

Tinawag niyang "fake news" ang mga kumakalat na detalye tungkol sa llibro.

Pinaringgan din niyang "sinungaling" kung sino man ang nagsabi ng impormasyong kumakalat.

Mababasa sa unang post ni Raquel (published as is): "Meron na namang fake news. Galing daw isang libro.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Mga bashers hindi updated yang libro na yan… Abangan nyo ako ang mag uupdate ng libro na yan.

"Sari-sari na lang issue nyo. Meron kilala daw ako? Mga gumagawa ng kwento ang iba.

"Baka magulat kayo kapag ako ang nagkwento. Kaya tumigil na kayo sa kaka fake news na yan. Mga salot ng lipunan."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kahapon, March 2, 2025, nag-post si Raquel ng video niya habang sumasayaw.

Kalakip nito ang mensahe niya sa kanyang bashers (published as is): "Para sa mga bashers ko at gumagawa ng mga fake news wala pa rin akong pake.

"hinde lahat ng nababasa nio totoo para husgahan nio agad ang tao malay nio sinungaling ang nagsabi at fake news lamg..."

Sumunod na ipinost ni Raquel ang isang litrato niya.

Caption niya rito (published as is): "Peace of mind pa rin ang pipiliin ko kesa patulan ko ang mga walang kwentang tao at mga walang utang na loob...

"sila na magdadala ng lahat...the truth still prevails...but no matter what...my blood still flowing in your veins and you can only remove that when your already dead.

"P.S. Ayoko pa ring mabawasan ang ganda ko na minana ng mga anak ko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nasundan ito ng isa pang post kunsaan sinabi ni Raquel na hindi niya ipipilit ang sarili sa iba para siya'y paniwalaan.

Noon pa man daw ay tanggap na niyang batikusin at sabihang masama at bigyan ng bansag na "evil queen."

Aniya (published as is): “Kwento nyo yan malamang masama ako jan. Pero hinde ko alam ang kwento na yan… sanay na ako tawaging masama.

"Kung yan ba ikakasaya nyo… Tanggap ko na ang pangalan kong EVIL QUEEN. Basta ako alam ko ang sarili kong kwento pero di ko na isasaLIBRO dhil ayoko ng may mapasama at madagdagan ang mga EVIL...

"dapat ako lng ang nagmamay ari ng CROWN...Sige lang kahit ano ibato nio basta hinde nakakabawas ng kagandaan ko...wala pa rin akong pake."

Tila may patama din siya kay Jake (published as is), "Anjan ka sa kinalalagyan mo dahil sa EVILQUEEN na to.

"Dahil sa masamang INA na to...kahit ilang libro pa ilabas, hindi na maibabalik ang ikaw na mismo ang sumira....Sige pa magalit pa kayo hanggang sa atakihin kau."


ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag pa ni Raquel (published as is), "PAG AKO ANG NAGSALITA TALAGANG TOTOO WALANG HALONG SHOWBIZ KAYA WAG NIO KO PILITIN...LALABAS ANG KATOTOHANAN SA LIKOD NG PUNO NG KASINUNGALINGAN..."

Jake calls Raquel the "evil queen"

Bukod sa naranasang pangmumolestiya, ibinahagi rin ni Jake sa librong I Am Jake ang pang-aabusong naranasan niya umano sa kamay ng sariling ina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa Chapter 2 ng libro na pinamagatang "Mommy Dearest," inilahad ng singer ang hirap na kanyang dinanas umano sa piling ng ina noong bata pa siya.

Read: David Foster aims to build up Charice as the "first true Asian world superstar"

Sa unang linya, nakasaad ang mga ganitong salita: "Here's the sad truth: I don't know my own mother."

Dito ay inilahad ni Jake kung gaano ka-dysfunctional ang kanilang pamilya.

Ayon sa singer, apat na magkakapatid sina Raquel. Pero ang ina lang daw niya ang laging nakakaaway ng kanyang yumaong lola na si Tess Relucio.

Sinasaktan umano ni Lola Tess ang kanyang apat na anak kahit sa harap nila.

Ang lola raw niya ang batas sa kanilang tahanan, at kahit ang kanyang lolo ay hindi makapalag dito.

Dahil daw rito, umalis sa kanilang bahay si Raquel kasama ang mga anak na sina Charice at Carl.

Dito na raw napagtanto ni Jake na nagmana ang ina sa kanyang lola.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi ng singer sa kanyang libro, "When Mommy left Lola's home, their similarities started to manifest: the bad temper, the need to win every argument, and eventually, the tendency to hurt their kids."

Read: Jake Zyrus tells off netizen for deadnaming him

Kung ang mga kapatid ni Raquel ay dinidisiplina ang kanilang mga anak sa pamamagitan ng pangungurot o kaya ay paghila sa kanilang buhok, si Raquel daw ay gumagamit ng sapatos, sinturon, at walis-tambo sa pananakit kay Charice/Jake.

Sabi ni Jake sa libro: "Mommy often hit me on the head with her high heels.

"This is the reason why my scalp is covered with scars that have formed bumps and valleys on my head."

Tinawag din ni Jake na "evil queen" ang kanyang ina habang siya’y lumalaki.

Pero hindi naman raw niya kayang tuluyang kamuhian ang ina.

Saad ni Jake sa libro: “I can't bring myself to totally hate my mother because despite her darkness, there is some light in her.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Her good side needs certain conditions to come out, though."

Hindi raw naging normal ang relasyon nilang mag-ina mula noong bata pa siya.

Ayon pa kay Jake, nang nag-iba siya ng sexual orientation, nahuli raw niya ang kanyang ina na may ginamit na ibang accounts sa social media upang laitin siya.

Dahil dito, itinuturing niya ang kanyang ina na "secret antagonist."

Read: Jake Zyrus details abuses he suffered from mom Raquel Pempengco in book

Additional reports by Arniel Serato

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
An excerpt from Jake Zyrus's 2018 memoir, I Am Jake, resurfaces online. The excerpt is about the sexual abuse Jake allegedly experienced from his own uncle when he was just six years old. On the other hand, Jake's mother, Raquel Pempengco (inset), has become a target of netizens after reading the excerpt.
PHOTO/S: Instagram / Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results