Tuluyan nang lumabas ng Pinoy Big Brother (PBB) house ang Kapuso actor na si John Clifford at Kapamilya star na si Fred Moser.
Ang dalawa ang latest evictees sa PBB: Celebrity Collab Edition 2.0.
Nitong Sabado ng gabi, January 17, 2026, ginanap ang fifth eviction night, kunsaan sina Clifford at Fred ang pinaalis sa Bahay Ni Kuya matapos makakuha ng pinakamababang text votes mula sa publiko at mapasama sa nominasyon.
Read: Bong Revilla faces malversation, graft raps over flood control
Habang ang kapwa nila nominado na sina Heath Jornales, Ashley Sarmiento, Krystal Mejes, at Miguel Vergara ay pinalad na manatili sa loob ng bahay.
Read: Who is Sara Jane Paez, Bb. Pilipinas-Universe 1989?
Batay sa ipinakitang tally of votes, nakuha ni Heath ang pinakamaraming boto, 47.87%, sa hanay ng mga Kapuso nominees, sinundan ni Ashley na may 27.96%, habang si Clifford ay nakakuha ng 24.17%.

Sa panig naman ng Kapamilya nominees, nanguna si Krystal with 39.57%, pumangalawa si Miguel with 35.20%, at panghuli si Fred, na nakakuha ng 25.23%.

CLIFFORD AND Fred BECOME EMOTIONAL AS THEY RETURN TO THE OUTSIDE WORLD
Samantala, sa muli nilang pagbabalik sa outside world, hindi napigilang maging emosyonal nina Clifford at Fred nang salubungin sila ng kanilang pamilya at fans.
Kasunod ng paglabas nina Clifford at Fred ay ang muling pagpasok naman sa Bahay Ni Kuya ng dating evictees na sina Marco Masa at Eliza Borromeo.
Ang kanilang pagbabalik ay naganap matapos silang magwagi sa wildcard challenge.
Read: Marco Masa, Eliza Borromeo exit PBB Celebrity Collab 2.0
