Sinasang-ayunan ni Ivana Alawi ang netizens na bumabansag kay Joshua Garcia bilang “Higop King.”
Ito’y matapos personal na maranasan ni Ivana ang isang intimate scene kasama ang aktor sa kanilang upcoming Kapamilya series na Love is Never Gone.
"Higop King” ang kadalasang bansag sa isang lalaking magaling sa intimate kissing scene.
Isa si Joshua sa mga nababansagan nito. Makailang beses na kasi siyang nagte-trending dahil sa kissing scenes niya sa kanyang mga teleserye.
Read: Joshua Garcia details intimate scenes with Jodi Sta. Maria, Gabbi Garcia
Sa isang press conference kamakailan, kinumusta si Ivana ng TV5 reporter na si MJ Marfori patungkol sa karanasan niya sa shooting ng kanilang proyekto, partikular sa intimate scenes nila ng aktor.
Dito, walang alinlangang inamin ni Ivana kung gaano siya nabigla sa paghalik kay Joshua sa isa nilang kinunang eksena.
Read: Ivana Alawi addresses netizens tagging her a "homewrecker"
Ayon sa actress-vlogger, matapos ang kissing scene nila ni Joshua ay napagtanto niyang totoo ang madalas ibinabansag sa aktor na “Higop King.”
“Oo, Higop King! Ganun, grabe.
"Ayun yung last scene talaga namin. Hindi ko alam [na ganoon siya ka-intense]!" natatawang sabi ni Ivana.
Read: Claudine’s birthday greeting for ex Mark Anthony stirs netizens
Matapos makunan ang nasabing eksena, napasabi na lang daw si Ivana ng “Grabe ka naman,” bagay na sinagot naman daw ni Joshua ng “Humigop ba?”
did Ivana Feel the Kilig During Their Kissing Scene?
Hindi rin itinanggi ni Ivana na nakaramdam siya ng kilig nang magdampi ang mga labi nila ni Joshua sa kinunang eksena.
Gayunpaman, pinanatili raw niyang professional ang sarili kahit aminado siyang masugid siyang tagahanga ni Joshua noon pa man.
“Syempre, crush ko yon, no, pero professional pa rin," aniya.

Hindi lingid sa kaalaman ng iba na noon pa man ay bukas nang sabihin sa publiko ni Ivana na isa si Joshua sa kanyang mga celebrity crush.
