Hindi naitago ni Ivana Alawi ang saya at excitement matapos niyang pumirma ng panibagong kontrata sa ABS-CBN.
Noong Miyerkules, July 19, 2023, naganap ang contract signing ng actress-vlogger kasama ang mga big boss ng Kamilya Network na sina ABS-CBN President and CEO Carlo Katigbak, ABS-CBN Chairman Mark Lopez, Chief Operating Officer for Broadcast Cory Vidanes, Star Magic Head Laurenti Dyogi, Star Magic manager Alan Real, at PPL Entertainment CEO Perry Lansigan.

Mensahe ni Ivana, “Right now, I’m here where I’m supposed to be. I have three things that I’m very, very thankful for.
“Unang-una, sa mga bosses po natin dito sa ABS-CBN, maraming-maraming salamat sa tiwala, sa suporta, at sa pagmamahal niyo sa akin.
“Gusto ko rin pong magpasalamat sa lahat-lahat ng nagtiwala sa akin since day one, marami pong salamat.
“Of course, to my family and kay Lord na never akong pinabayaan, maraming-maraming salamat po.”
Read: Ivana Alawi on being a Kapamilya: "It's my dream network."
IVANA’S DREAM LEADING MEN
Kasabay ng pag-renew ng exclusive contract ni Ivana, inanunsiyo rin niya ang kanyang pagbabalik sa pag-arte.
Ayon sa aktres, may naka-lineup na siyang teleserye at movie project na labis niyang ikinaka-excite.
Huling bumida si Ivana sa ABS-CBN series na A Family Affair (2022) kung saan nakasama niya ang apat na Kapamilya leading men—sina Gerald Anderson, Sam Milby, Jake Ejercito, at Jameson Blake.
Read: Ivana Alawi on celebrity crush Sam Milby: "Yes, nahalikan ko na si Sam!"

Sa panayam ni Ivana sa entertainment press, tinanong ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kung sinu-sino pa ang mga gusto niyang makatrabaho lalo na kung bibigyan siya ng pagkakataong mamili ng magiging leading man.
Pag-amin niya, gusto niyang makasama sa isang proyekto ang KathNiel (Kathryn Bernardo, Daniel Padilla) at maging leading men sina Joshua Garcia at Coco Martin.
Sundot na tanong ng PEP.ph, “Anong meron kay Joshua at Coco bakit sila ang gusto mong maging leading man?”
Sagot ni Ivana, “Kasi they’re very mahusay. Napakahusay nilang mga actor, and I want to experience working with very talented actors.”
Hindi lingid sa kaalaman ng iba na noon pa man ay aminado na si Ivana na isa si Joshua sa kanyang mga celebrity crush.
Read: Ivana Alawi confirms communication with Joshua Garcia: “Gusto ko kasi makilala muna siya.”
Kaya’t hindi rin kataka-taka kung bakit gusto niya itong maging leading man.
Read: Ivana Alawi has the cutest reaction to "crush" Joshua Garcia's surprise message
Pero handa na ba si Ivana kung bibigyan sila ng proyekto ni Joshua at mayroong kailangang gawing kissing o intimate scenes?
Nahihiya at natatawang sagot ng Kapamilya actress-vlogger, “Trabaho po. Actually marami naman na po akong nakaka-kiss sa [eksena].
“[Kung kay Joshua] oo naman po, kung kailangan sa trabaho.”
Read: Joshua Garcia on why Ivana Alawi is “jojowain”: “Mabait, maganda, sexy.”
Hindi ba siya kakabahang gawin ito kapag nagkataon?
Confident at mabilis na sagot ni Ivana, “Parang mas kakabahan siya [Joshua].”
Hirit naman ng host na si Robi Domingo, “Ayun, tapos ang usapan. The King of mukbang, kinabahan sa eksena.”
Ang biro na ito ni Robi ay mula sa makailang beses na pagte-trending ni Joshua dahil sa mga kissing scene niya sa kanyang mga teleserye.
Read: Joshua Garcia details intimate scenes with Jodi Sta. Maria, Gabbi Garcia
