Ang mga hiwalayan sa showbiz ay madalas nagiging big news, lalo na dahil sa mga nangyayari pagkatapos ng breakup.
May mga nauuwi sa word war.
Minsan, may mga eksenang parang hinugot sa teleserye o pelikula.
Kadalasan, may bangayan pa sa hatian ng ari-arian at custody ng mga anak.
Sa gitna ng lahat ng ito, nada-downplay ang tunay na dahilan ng hiwalayan.
Gaya ng nangyari sa isang celebrity couple, na may ilang pahiwatig tungkol sa marital problems nila, pero hindi talaga klaro kung ano talaga ang ugat ng kanilang split.
Read: BLIND ITEM: Ilang maalindog na artista, kumikita sa pagpi-"PR"
WHAT CAUSED THE BREAKUP
Kung totoo ang naikuwento ng isang source sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), napaka-explosive!
Ang claim ng PEP source ay nag-agree sila sa isang couple swap.
Sa isang okasyon, may nakilala raw silang pares na game sa idea.
Kaya sa loob ng ilang buwan, diumano'y nagpalitan sila ng partners.
Sa hindi inaasahang pangyayari, yung isang pair ay naging mas masaya raw sa piling ng isa’t isa.
At noong natapos ang napagkasunduang period ng couple swapping, yung pair na naging mas masaya ay ayaw nang bumalik sa kani-kanilang original partners.
So, ganito raw ang nangyari: Dalawang relasyon ang natapos, at isa naman ang umusbong.
Ang dapat sana’y trial o temporary ay nauwi sa totoong relasyon for the pair na naging mas masaya.
Indeed, life-changing ang kanilang adventure—hindi lang para sa mga direktang sangkot, kundi pati na rin sa kanilang mga pamilya.
Ganito nagtapos ang isang pag-ibig, at isang dekada ng what could have been a blissful marriage.
Pero, sa kanilang banda, even without the swap, baka rin naghiwalay ang couple dahil sa diumano'y infidelity.
Read: BLIND ITEM: Yayamaning Personality, hindi nakabayad sa renta