"Tito" ang tawag ni Joyce Tan Custodio sa boxing champ na si Manny Pacquiao.
Sa kanyang Instagram Story kagabi, January 21, 2026, nagbahagi si Joyce ng larawan ng Pambansang Kamao habang pinipirmahan ang isang white boxing gloves.
Caption niya sa post, "Thank you, Tito [praying hands, relieved face emojis]"

Si Manny ang ama ng nobyo ni Joyce na si General Santos City Councilor Michael Pacquiao.
Si Michael ang ikalawa sa limang anak nina Manny at Jinkee Pacquiao.
Pinag-uusapan ang relasyon nina Joyce at Michael dahil sa agwat ng edad nila.
Si Joyce ay nasa late 30s, habang si Michael ay 23 years old.
Malaking isyu rin sa ibang netizens ang pagiging dating stylist ni Joyce kay Jinkee.
Read: Michael Pacquiao's girlfriend breaks silence on age-gap issue
JOYCE TAN CUSTODIO HIDES OLD PHOTOS WITH MICHAEL pacquiao
Kapansin-pansin namang nakatago na sa albums ni Joyce sa Facebook ang mga lumang larawan nila ni Michael.
Kabilang na rito ang larawan nilang kuha sa Shibuya Sky attraction sa Japan.

At iba pa nilang bakasyon abroad...

Nakatago na rin ang larawan ni Joyce kasama si Michael sa session hall ng General Santos City Hall.

Mula nang naging public na ang kanilang relasyon nitong January 2026, wala pang post sina Joyce at Michael na magkasama.
Bagkus, napansin ng publiko na bago na ang lookk ni Michael na labis namang ipinagmamalaki ni Joyce.
View this post on Instagram
Saad niya sa isang post: "My Handsome One Inside Out [hearts emojis] @pacquiao.michael [flexed biceps emoji] Few more Months lezgooo [fire emoji]"

Read: Lea Salonga confirms separation from husband Robert Chien
