May bago na bang idini-date ang Kapamilya actor na si Jake Cuenca?
Ito ang tanong ng netizens matapos kumalat sa Reddit ang larawan ng isang lalaki at isang babaeng magka-holding hands habang naglalakad.
Kuha raw ang litrato sa Bonifacio Global City, Taguig.
Marami ang nagsasabing sa porma at tikas ng lalaki ay si Jake ito.
Pero hindi matuloy kung sino ang kanyang ka-holding hands while walking (HHWW) ng aktor dahil malayo ang kuha sa larawan.
Caption ng post sa Reddit: "Jake cuenca spotted with who??"

Read: Willie Revillame speaks up about past relationship with Sugar
JAKE CUENCA IS SINGLE FOR four MONTHS NOW
Lagpas apat na buwan nang single si Jake matapos ang hiwalayan nila ni Chie Filomeno noong September 2025.
Sa panayam niya noong October 2025, sinabo ni Jake na ikinalungkot niya ang hiwalayan nila ni Chie at tahimik niyang dinamdam ang sakit na nararamdaman.
Saad niya: "This whole experience, truthfully, I went through it by myself.
"Sobrang na-enjoy ko yung parte ng buhay ko na yun kasi, ito, private.
"So, I also grieved this alone and in private.
"And the most part, I'm okay, but of course, di ba, parang, like I said, parang, it would be nice to, you know, have some time, two weeks or three weeks.
"And the most part, I'm okay, but of course, di ba, parang, like I said, parang, it would be nice to, you know, have some time, two weeks or three weeks.
"But again, I have to just remind myself na the last time I went through this, ang hirap ng buhay ko noon. I didn't have a lot of things with me.
"This time in my life, I have so many things na."
Nauugnay naman ngayon si Chie kay Matthew Lhuillier, na mula sa kilalang angkan at mga negosyante sa Cebu.
Ilang beses na silang spotted na magkasama sa Cebu, at ang pinakahuli ay noong December 14, 2025.
Spotted silang masayang magkasama habang nakasakay sa isang sportscar.

Read: Chie Filomeno and Matthew Lhuillier spotted anew in Cebu
