PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sherwin Gatchalian admits to having a “non-existent” love life

Bianca Manalo has yet to comment on the current status of their relationship.
by Khryzztine Joy Baylon
Published Jan 22, 2026
Senator Win Gatchalian on girlfriend Bianca Manalo's issues
Online speculation grows after Sherwin Gatchalian revealed that his current love life is “non-existent,” hinting at a possible split with actress and beauty queen Bianca Manalo.
PHOTO/S: Bianca Manalo Instagram

"It’s non-existent."

Ito ang nakakaintrigang sagot ni Senator Sherwin Gatchalian nang matanong tungkol sa kasalukuyang estado ng kanyang love life.

Nitong Miyerkules, January 21, 2026, nakapanayam ni Korina Sanchez si Gatchalian sa On Point ng Bilyonaryo News Channel, kunsaan pinag-usapan nila ang nangyayaring korapsyon sa DPWH (Department of Public Works and Highways).

Read: Bong Revilla surrenders after Sandiganbayan issues arrest warrant

Ngunit bago matapos ang panayam, hiniritan siya ng news anchor nang kumustahin ang kanyang buhay pag-ibig.

Diretsang tanong ni Korina kay Gatchalian: "One last question, your love life, how is it?"

Mabilis at seryosong sagot ng mambabatas: "It’s non-existent."

Read: Lani Mercado, humihiling ng due process para kay Bong Revilla

Bakas sa mukha ni Korina ang pagkabigla sa naging sagot sa kanya ni Gatchalian.

Natatawa niyang sabi, "I'm kidding. I didn't think you would even answer."

Wala namang nagawa ang senador kundi makisabay na lang na tumawa kay Korina.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HAVE Sherwin and Bianca Manalo callED it quits?

Agad na pinag-usapan online ang sagot na ito ni Gatchalian.

Suspetsa tuloy ng netizens, totoo ang matagal nang haka-hakang hiwalay na sila ng longtime girlfriend na si Bianca Manalo.

Sherwin Gatchalian, Bianca Manalo reunited amidst controversy
Photo/s: Courtesy: Instagram

Read: Bianca Manalo, Sherwin Gatchalian address viral Senate kiss

Noon pang January 2025, nagsimulang maintriga ang relasyon nina Gatchalian at Bianca nang mapansin ng netizens na hindi na nila ipinu-post ang isa’t isa sa kani-kanilang social media accounts.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Nangyari ito matapos hiwalay na magdiwang ng Pasko ang dalawa noong December 25, 2024.

Read: Senator Sherwin Gatchalian no comment on Bianca Manalo-Rob Gomez issue

Bagung-bago ito sa kanilang mga tagahanga dahil magkasama naman nila itong ipinagdiriwang sa mga nagdaang taon.

Nagpadagdag pa sa suspetsa ng publiko nang sumagot si Gatchalian ng "no comment" nang tanungin siya sa estado ng kanyang love life sa press session ng Kapihan sa Senado noong January 8, 2025.

Read: Senator Sherwin Gatchalian on breakup rumors with Bianca Manalo

Samantala, habang isinusulat ang artikulong ito, wala pang reaksiyon si Bianca sa naging pahayag ni Gatchalian kay Korina.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Online speculation grows after Sherwin Gatchalian revealed that his current love life is “non-existent,” hinting at a possible split with actress and beauty queen Bianca Manalo.
PHOTO/S: Bianca Manalo Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results