Mariing itinanggi ni Rhen Escaño na niloko niya si Kokoy de Santos noong magkarelasyon pa sila.
Kasunod ito ng pag-ere ng life story ni Kokoy sa Magpakailanman, ang weekend drama anthology ng GMA-7.
May pamagat itong "A Son's Promise: The Kokoy De Santos Story."
Tinalakay sa episode ang pagkakaroon ni Kokoy ng relasyon sa isa ring artista na hindi pinangalanan. Ipinalabas ditong nag-cheat sa kanya ang dating kasintahan.
Umere ang episode na ito ng Magpakailanman noong Sabado, January 17, 2025.

Read: Willie Revillame owns Grand Hyatt penthouses, 3 choppers, yacht
Rhen Escaño: 2026 na, pa-victim ka pa rin?
Sa kanyang Instagram Story nitong Huwebes ng gabi, January 22, 2025, nag-post ng kanyang reaksiyon si Rhen tungkol sa "life story" ng isang taong hindi niya pinangalanan.
Hindi man nagbanggit ng pangalan ang aktres, malinaw na si Kokoy ang pinatutungkulan niya.
Ayon kay Rhen, ginawang kontrabida ang babae sa istorya ng lalake.
Sa mahabang panahon daw ay nanahimik ang babae upang iligtas ang lalake at protektahan ang pangalan nito.
Ngunit hanggang ngayong 2026 daw ay "pa-victim" pa rin ang lalake.
Post ni Rhen: "He made her the villain in his story.
"She stayed quiet for so long to save him.
"For years, she chose silence to protect his name even if it cost her own.
"Pero 2026 na, pa-victim ka pa rin?"

Sa sumunod na pahina ng IG Story ni Rhen ay direkta na niyang tinukoy ang sarili.
Mariin niyang sinabi na hindi siya nag-cheat sa lalakeng tinutukoy niya.
Aniya: "Once and for all, let me get straight to the point. I NEVER CHEATED ON HIM."
Mapanganib daw ang paglalahad ng "one-sided story," paggamit ng ibang tao para magbenta ng kasinungalingan, magpanggap na biktima, at sirain ang career ng ibang tao.
Saad ni Rhen: "Oh, the danger of a one-sided story, using someone in your 'life story' episode to sell lies, play the victim, and damage another person's career crosses a line.
"That is not storytelling, it's cruelty. That kind of manipulation is unforgivable."
May mensahe rin ang aktres sa mga naniniwala sa isang side lamang: "And to those choosing to believe only one side: if you can't seek the truth, if you can't be fair, at least be kind with your words."

Read: Who is Robert Chien, Lea Salonga's estranged husband?
RHEN-KOKOY RELATIONSHIP
Nagkasama sina Rhen at Kokoy sa Walang Tulugan With The Master Showman ng yumaong TV host-star builder na si German Moreno, at doon nagsimula ang kanilang relasyon na umabot ng tatlong taon.
Sa panayam sa kanya ni Gorgy Rula ng PEP Troika noong August 2023, binasag ni Rhen ang kanyang katahimikan tungkol sa pagwawakas ng relasyon nila ni Kokoy.
Sinabi ni Rhen na hindi sa kanilang dalawa ni Kokoy nagkaroon ng problema kundi sa ilang taong nakapalibot sa kanila.
Saad ng aktres: "Kaya malungkot ako, kasi maraming taong pumasok. Maraming taong nakialam, parang ganun.
"Naging toxic siya, and siya, hindi ko alam kung anong nangyari sa kanya.
"Hanggang sa dumating ako sa point na hindi ko pala kaya na merong ibang taong kailangang magdikta kung ano ang kailangang gawin niya, na kung ano ang magiging desisyon niya.
"And for me, parang may mali na sa mga nangyayari kaya hindi na masaya. So, yun."
Dagdag pa ni Rhen, malaking factor din ang age gap nila dahil masyado pa raw bata si Kokoy nung naging sila.
"Siguro masyado na siyang nasasaktan. Ako naman, sobra akong nasaktan sa part na dahil... malaki po kasi yung age gap.
"Mas matanda po kasi ako sa kanya ng five years.
"So, parang sa three years na yun, aminado naman ako, I'm sure alam niya na nag-adjust po ako sa maraming bagay.
"Kasi ano talaga siya, e, as in baby boy siya sa family, ganyan.
"Parang ako, siyempre ako... siyempre ako, dumating ako sa point na iba yung ano, e, mas dun ako sa papuntang maturity talaga.
"Papuntang, 'Ba't pa tayo magsasayang ng oras kung hindi tayo papunta sa mga ganung bagay?' Parang ganun po.
"So, parang yung hinihingi ko lang naman nung time na yun, ako naman ang ipaglaban. Pero hindi, e.
"And then, dumating sa point na ilang beses ako nakipaghiwalay. Pero parang siyempre, nilaban niya na, 'Huwag, huwag, kaya natin to, ganyan-ganyan.'
"So, ako naman, parang okay, sige, super nag-e-effort, sige. Pero ako, ayoko na talaga. Kumakapit na lang ako because na-attach na ako sa family."
Alam din daw ni Kokoy noon na may ini-entertain siyang iba na naging dahilan upang paghinalaan siya nitong nanloko.
Sabi ni Rhen: "Mas gusto ko piliin ko naman yung sarili ko, hindi puro siya lang.
"And then, hanggang sa dumating na point na we have to pretend na we're okay kahit na hindi.
"Kaya meron na akong ibang ini-entertain na alam niya. Alam niya na merong iba na akong kinakausap.
"Nagulat na lang ako, biglang, siyempre alam ng family niya, okay kami. Tapos biglang... parang alam niya na meron akong ini-entertain.
"And then, nagulat na lang ako, parang pinalabas niya na I'm cheating."
Ito ang lumabas na alingasngas—na nangaliwa ang aktres.
Pero paglilinaw ni Rhen noon, hindi siya nakikipag-date.
Sinasagot lang daw niya ang tawag o message na ibang nagpaparamdam sa kanya.
Alam daw ito ni Kokoy dahil wala siyang itinago rito.
Saad pa niya: "Hindi lang ako nagsalita for how many years. Pero mas nasaktan ako dun sa ginawa niya.
"Kasi parang sa ilang beses ako nakipaghiwalay, naging vocal ako na hindi ko na kaya, na hindi niya ako kayang ipaglaban. Hindi ko kayang tanggapin yun.
"So, naging honest at naging open ako sa kanya na, 'Okay, as you can see, meron na akong kinakausap na iba. As you can see, meron na akong ini-entertain na iba.' May nirereplayan na ako, pero wala akong boyfriend."
Giit pa ni Rhen: "Mas nauna ho siya nagka-girlfriend simula nung nagkahiwalay kami, kesa ako nagka-boyfriend.
"Nasaktan ako na yun ang pinalabas niya.
"Hindi naman po talaga ako nag-date. As in nagri-reply lang."
Read: Rhen Escaño finally breaks silence on breakup with Kokoy de Santos
