Sa kauna-unahang pagkakataon ay naging bukas si Richard Gutierrez tungkol sa ugnayan nila ni Barbie Imperial.
Kahit na matagal na silang nauugnay sa isa't isa, nananatiling tikom ang bibig ng dalawa tungkol sa kanila.
Sa ulat ng ABS-CBN News kagabi, January 19, 2026, nagkuwento na si Barbie tungkol sa kanilang relasyon na hindi naman daw nila itinatago sa publiko.
Pinili lang daw nilang maging "private" ang "relationship" nila.
Pagkaklaro ni Barbie: "Can I just say that we weren’t hiding.
"We just chose to have a private relationship talaga, because we know na ayaw namin ng, even I... What people don’t know they can’t ruin.”
Dagdag ni Richard: "I agree from the beginning, ganun talaga.
"We wan’t to keep things private. Mas relaxed yung ganun, mas gusto namin yung ganun.”
Dahil sa paggamit nila ng salitang "we," kinukumpirma na ba nila ang kanilang relasyon?
Sabi ni Barbie: “Sabi nga niya sa isang interview ni Tito Ogie [Diaz], what you see is what you get? Yeah, yun na yun.”
Read: Brooklyn Beckham speaks up on rift with parents David, Victoria
Magkasama ang dalawa sa upcoming series ng ABS-CBN na Blood vs Duty.
RICHARD GUTIERREZ-BARBIE IMPERIAL relationship TIMELINE
January 7, 2024 unang namataang magkasama sina Richard at Barbie sa isang gastropub sa Alabang, Muntinlupa.
Hindi gaanong malinaw ang video ngunit mahihinuhang sina Richard at Barbie nga ang magkatabi sa isang mesa, kasama ang ilang kaibigan.
Napansin ng mga customer na nakakita kina Richard at Barbie sa gastropub na sobrang kapalagayan nila ang isa't isa.
“Bantay-sarado ni Chard si Barbie," sabi ng isang source.
Pinatunayan din ng source ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) ang pagiging gentleman ni Richard kay Barbie dahil inalalayan umano nito ang aktres nang magpunta ito sa comfort room.
Noong panahong iyon, hindi malinaw kung ano ang relasyon nina Richard at Barbie pero nagkasama sila noon sa dating ABS-CBN teleserye na FPJ's Ang Probinsyano.
Noon ding panahong iyon, mainit na pinag-uusapan na hiwalay na daw si Richard sa asawa nitong si Sarah Lahbati.
Read: Richard Gutierrez, Barbie Imperial at gastropub in Alabang
January 9, 2024, in-unfollow ni Sarah si Richard sa Instagram na lalong nagpapatibay na may hindi na nga maganda ang relasyon ng dalawa.
Read: Sarah Lahbati unfollows husband Richard Gutierrez on Instagram
January 10, 2024, si Richard naman ang nag-unfollow kay Sarah sa nasabing social media app.
Kasunod nito ay kapansin-pansing halos sabay-sabay ring in-unfollow si Sarah sa Instagram ng mga kapatid ni Richard na sina Ruffa Gutierrez at Raymond Gutierrez at ng kanilang inang si Annabelle Rama.
Read: Richard Gutierrez unfollows wife Sarah Lahbati on Instagram
March 1, 2024, tuluyan nang kinumpirma ni Sarah na single na siya.
Ibig sabihin, totoo ang matagal nang usap-usapang hiwalay na sila ng asawang si Richard.
Read: Sarah Lahbati finally confirms breakup with husband Richard Gutierrez
Spotted na magkasama sina Richard at Barbie sa South Korea na ipinost ng isang netizen sa Facebook noong May 26, 2024.
Nasa may Myeong-dong area, isang shopping destination sa nasabing bansa, ang dalawa.
Read: Richard Gutierrez and Barbie Imperial spotted in South Korea
May 27, 2024, nag-post naman si Barbie ng kanyang gym photo sa Instagram Story kung saan mas nakaagaw ng atensiyon ng netizens ay ang lalaki sa likuran ni Barbie na nag-eehersisyo rin.
Hindi malinaw ang mukha ng lalaki na naka-headset, sumbrero, at naka-black sando.
Base sa larawan, tila magkasingkatawan ang lalaki sa likuran at ang nali-link noon kay Barbie na si Richard.
Ito rin ang hinala ng netizens.

Read: Did Barbie Imperial post gym photo with Richard Gutierrez?
Spotted na magkasama naman ang dalawa sa Rome, Italy ang noo'y rumored sweethearts na sina Richard at Barbie noong September 2024.
Noong panahong iyon, nasa Italy si Richard para sa taping ng upcoming series pa lang nila noon ni Daniel Padilla, ang Incognito.
Sa isang post sa Facebook, ibinahagi ng isang Filipino restaurant sa Rome na naging customer nila sina Richard at Barbie para sa isang tanghalian.
Read: Richard Gutierrez and Barbie Imperial together in Rome
At noong January 2025, inamin ni Richard na ongoing na ang annulment process upang mapawalang-bisa ang kasal nila ni Sarah.
Kuwento ni Richard sa blog ni Ogie, "Siguro yung tungkol sa amin ni Sarah, ayoko na rin pag-usapan, yung mga nangyaring detalye.
"Kasi, we are actually going through an annulment now.
"And both parties naman want to move forward.
"Actually, at this point, nakapag-move forward na yung both parties.
"May equal time kami with our kids. So, parang nagko-co-parenting kami.
"And ang priority namin is to make sure that the kids, you know, live a good life, a happy life."
Read: Richard Gutierrez admits annulment process with Sarah Lahbati
At matapos nga ang dalawang taon mula January 2024 hanggang January 2026, inamin na ng dalawa sa wakas ang totoong namagitan sa kanila.
