Nagdadalamhati ngayon ang pamilya Barretto dahil sa pagpanaw ng kanilang matriarch na si Estrella "Inday" Barretto.
Pumanaw si Mommy Inday sa edad na 89 ngayong Huwebes, January 29, 2026.
Read: Barretto matriarch Inday Barretto dies at 89
Sa pamamagitan ng short Instagram Reels, ibinahagi ng aktres na si Claudine Barretto ang tila mga huling sandali kasama ang ina.
Sa unang video ni Claudine, makikitang nakaupo siya sa tabi ng hospital bed ng nakaratay na ina sa Saint Luke's Medical center sa BGC.
Caption ng aktres: "Oh Mom [broken heart emoji] Estrella Castelo Barretto January 29, 2026"
View this post on Instagram
Sa ikalawang video, makikitang tila nag-uusap sina Claudine at Mommy Inday.
Mababanaag ditong malungkot ang mukha ng aktres.
Nakalagay sa caption niya: "Mommy We're gonna be okay [thumbs up emoji] i promise!"
View this post on Instagram
Read: Claudine and Marjorie Barretto spotted at brother Mito’s wake
Sa comments section ay nagpaabot ng kanilang pakikiramay ang followers ni Claudine.

CLAUDINE REVEALS MOMMY INDAY was DIAGNOSED WITH LUPUS
Hindi pa naglalabas ng opisyal na pahayag ang Barretto family.
Wala pa ring impormasyon tungkol sa sanhi ng pagkamatay ni Mommy Inday.
Pero noong September 2024, ipinagtapat ni Claudine sa isang panayam na na-diagnose na mayroong sakit na lupus si Mommy Inday.
Ayon sa website ng National Institute of Health, ang lupus ay isang "chronic (long-lasting) autoimmune disease that can affect many parts of the body. Lupus occurs when the immune system, which normally helps protect the body from infection and disease, attacks its own tissues."
Read: Claudine Barretto reveals Mommy Inday diagnosed with lupus
Marso 2024, naospital na rin si Mommy Inday matapos nitong mahulog sa escalator ng isang shopping mall sa Taguig City.
Read: Inday Barretto, nagtamo ng sugat matapos mahulog sa escalator ng isang mall
Mula 2025 hanggang ngayong Enero 2026, pabalik-balik ng Saint Luke's BGC si Mommy Inday dahil madalas itong nagkakasakit.
Read: Sam Verzosa, Wil Dasovich dawit sa isyu ng driver ni Rhian Ramos
