Nagbigay-pugay ang magkapatid na sina Dani Barretto at Claudia Barretto sa namayapa nilang lola na si Inday Barretto.
Gayundin ang mga pinsan nilang si Lucas Barretto at Pocholo Barretto.
Sina Dani at Claudia ay mga anak ni Marjorie Barretto.
Si Lucas ay anak ni Mito Barretto, panganay na anak ni Mommy Inday, na pumanaw noong 2025.
Si Pocholo ay anak naman ni Michelle Barretto.
Pito ang anak ni Inday at ng namayapa na rin nitong asawang si Miguel Barretto.: sina Mito, Michelle, Jay-jay, Gia, Gretchen, Marjorie, at Claudine.
Pumanaw si Mommy Inday sa edad na 89 kahapon, January 29, 2026.
Read: Barretto matriarch Inday Barretto dies at 89
DANI, CLAUDIA, lucas, pocholo SHARE PHOTOS WITH MOMMY INDAY
Sa pamamagitan ng Instagram ngayong Biyernes, January 30, sunud-sunod na nag-post ang magpipinsan ng mga larawan na nagpapakita ng kanilang masasayang alaala kasama si Mommy Inday.
Si Dani ay nagbahagi ng family photos sa kanyang Instagram Story.

May ilang larawan din kung saan naglagay siya ng caption.
Sabi ni Dani sa isang larawan ng kanyang mga namayapang lolo't lola na sina Miguel at Inday: "Together again."
"'I love you both. Rest in Peace, Mama Day," sabi naman niya sa isa.

Si Claudia ay nag-post ng mga larawan kung saan kayakap niya ang kanyang lola.

Samantala, happy memories lang din ang ibinahagi ni Pocholo.
Sabi niya sa kanyang post, "Thank you for my momma! [white heart emoji]"
View this post on Instagram
Si Lucas naman ay nag-post ng larawan niya noong bata pa siya kasama sina Miguel at Inday.
Caption niya: "More than words can express. I will miss you Mama. I love you [red heart emoji]"
View this post on Instagram
Sa ngayon ay wala pang detalye tungkol sa burol ni Mommy Inday.
Read: Who is Inday Barretto?
