Nakakalito naman ang mga nangyayari sa showbiz.
Dumagdag pa ang ingay na likha ng social media. Nariyan yung mga nakikisawsaw, yung mga mema, at ang mas malala, yung mga nagpapakalat ng fake headlines.
Bago pa masabí ng isang taong sangkot ang panig niya, ang dami nang naglabasang balita at ang dami nang nag-judge.
Tuloy, ang daming natatabunang kuwento at anggulo.
Halimbawa na lang ay yung nangyari kay BEAUTIFUL GIRL.
Nadawit siya sa isyu kahit wala raw siyang direct involvement?
Ito ang claim ng isang taong kilalang-kilala si BEAUTIFUL GIRL.
Read: BLIND ITEM: Controversial personality, target ng smear campaign
ANG INSIDENTE
Ang tahimik na buhay ni BEAUTIFUL GIRL ay nagambala dahil sa insidenteng kinasangkutan ng mga kasamahan sa industriya: sina STUNNER, GORGEOUS, at isang PERSONALITY na malapit kay GORGEOUS.
Base sa kuwento ng taong kilalang-kilala si BEAUTIFUL GIRL, tila exaggerated daw ang account ng isa sa mga sangkot.
Example, yung komprontasyon ay umabot ba talaga sa sakitan?
Pero bakit nadawit si BEAUTIFUL GIRL?
Ayon pa rin sa taong kilalang-kilala si BEAUTIFUL GIRL, ang place kasi niya ay malapit sa lugar kung saan nangyari ang insidente.
Hindi malinaw kung humingi ng saklolo sa kanya ang mga kasamahan sa industriya, pero nagpadala siya ng bodyguards at yaya.
Yun nga lang, noong pumutok ang balita, kasama siya sa headlines na para bang isa siya sa main characters.
At may side detail pa na dawit din ang pangalan ni BEAUTIFUL GIRL.
Tuloy, napagtakpan ang partisipasyon ng isang PERSONALITY na malapit kay GORGEOUS.
Read: Mestisong aktor, na-trauma sa hubaderang girlfriend ng ama
Kasalukuyang inaantay daw ni BEAUTIFUL GIRL ang next step mula sa kanyang lawyer.
Mukhang palaban ang kampo ni STUNNER.
Si GORGEOUS naman ay parang hindi raw affected. At ang sabi-sabi ay naka-“move on” na raw siya.
Si PERSONALITY na malapit kay GORGEOUS ang tila’y tahimik pero kumikilos daw behind the scenes.
Ang usap-usapan ng mga insiders, mukhang siya nga raw ang nag-orchestrate ng mga pangyayari. Gaano kaya katotoo ito? At ano ang motibo niya? Kanino siya may galit?
At siya ba yung may major role sa side story? Hindi si BEAUTIFUL GIRL?
Abangan na lang kung saan hahantong ang insidenteng ito, at kung eventually, ay lalabas ang buong katotohanan.