Very supportive si National Police Commission (NAPOLCOM) Commissioner Atty. Ralph Calinisan sa longtime partner na si Dawn Chang sa ginawang pickleball birthday event nito.
Ang ika-37 kaarawan ni Dawn ay noon pang January 29, 2026, pero nagkaroon siya ng birthday event nitong Martes, February 3, Dink & Shot, Marikina City.
Ang pickleball sport ay kinagihiliwan ngayon ng maraming celebrities.

Read: Barbie Hsu honored with memorial statue on 1st death anniversary
RALPH asks DAWN' HANDS from her parents in Australia
Halos limang taon na ang relasyon nina Dawn at Atty. Ralph.
Kaya hindi maiwasang matanong kay sa NAPOLCOM chief kung kailan na ang kasalan.
Maiksing sagot niya, "Ah, lapit na."
Ngayong taon na?
Biro niyang sagot: "Ah, sabi nung ng tsismis, di ba?
"But, I already flew to Australia to ask permission sa pamilya ni Dawn, sa magulang niya saka sa mga kapatid niya.
"That's December. So December 25 I flew to Australia.
"So, siguro we are planning to get married in December.
"I will just need... Of course, I need to propose formally kay Dawn.
"We will get there."

Read: Dawn Chang new boyfriend Ralph Calinisan
Masasabing conservative si Atty. Ralph dahil pormal niyang hiningi ang kamay ni Dawn sa mga magulang nito.
"Siyempre, ganun talaga," sambit niya.
"Oo, e, Pilipino pa rin tayo, di ba? So it's called respect.
"So, ako ay nanghihimasok sa pamilya ng iba. So, tayo ay nagpapaalam sa kanilang pamilya na tayo ay baka puwedeng sumama sa kanilang pamilya."
Ano ang birthday message niya para kay Dawn?
Ayon kay Atty. Ralph: "Of course, mag-ingat ka. Maraming salamat sa lahat ng support mo.
"Sa totoo lang, marami akong pagkukulang kay Dawn gawa ng trabaho ko.
"Maraming salamat talaga sa pag-intindi mo at mahal kita.
"I will support your craft. I will support your sport. Konting pag-intindi lang sa ginagawa ko para sa taumbayan."
