May bago nang nagpapatibok sa puso ni Dawn Chang.
Sa kanyang Instagram ngayong araw, October 6, 2022, binati ni Dawn ang bago niyang minamahal na si Atty. Ralph Calinisan.
Kaarawan kasi ng abogado ngayong araw.
Si Atty. Calinisan ang pinuno o executive officer ng Quezon City—People’s Law Enforcement Bureau (PLEB).
Partner din siya ng CALINISAN DOMINO & BERON LAW OFFICES.
Siya ang tumayong abogado ni Dawn noong nagkaroon ito ng sigalot kay Cristy Fermin.
Read: Dawn Chang’s camp demands public apology from Cristy Fermin for "nakikipaglandian" claim
Nagkasama rin sina Dawn at Ralph noong kampanya dahil pareho nilang sinusuportahan ang kandidatura ni former Vice President Leni Robredo.
View this post on Instagram
Sabi ni Dawn, sana raw ay laging gabayan si Atty. Ralph sa kanyang mga gawain dahil napakabait daw ng puso nito. Nangako naman siyang nasa likod lang siya ng kanyang nobyo.
Buong mensahe niya, “Para sa napaka espesyal na tao sa buhay ko. Maligayang kaarawan saiyo. May God continue to protect and guide you dahil napakabuti ng puso mo. Kasama mo ako sa kahit na anong laban. Mahal kita.”
View this post on Instagram
Bumaha naman ng heart emojis sa post na ito ni Dawn.


DAWN'S EX-BOYFRIEND
Ang huling nakarelasyon ni Dawn ay si Justin Cuyugan na kanyang kinumpirma noong 2018.
Read: Girltrends member Dawn Chang confirms relationship with Justin Cuyugan
Pero noong July 2021, naghiwalay ang dalawa.
Sa Instagram account ni Justin noong July 2021, siya ang nagpahiwatig na medyo nagkalabuan na sila ni Dawn.
Mapapansin ding puro hinanakit sa isang tao ang laman ng posts ng aktor.
Sa isang post niya, ipinakita ng aktor ang mga gamit niyang nakaligpit na tila aalis na sa bahay.
Makikita rito ang isang kama, LPG, electric fan, at ilan pang mga nakakartong gamit na nasa garahe ng isang bahay.
Makahulugang caption ni Justin: “Let this be a warning to everyone. If you give your life to a narcissist, this is all they will leave you while they swim in the riches you help them build.
“This do not happen only in loving relationships. This is also rampant in work situations and much worse if you sink your life in both.”
Read: Justin Cuyugan hints at leaving a "narcissistic relationship"; did he confirm split with Dawn Chang
