Kumpirmadong hiwalay na ang celebrity couple na sina Kate Vadez at Fumiya Sankai.
Sa pamamagitan ng isang joint statement sa kanilang Instagram Stories nitong Linggo, February 8, 2026, pormal na inanunsiyo ng dalawa sa kinahinatnan ng kanilang relasyon.

Ayon sa kanilang pahayag, minabuti nilang magsalita upang tuldukan ang mga haka-haka kaugnay ng estado ng kanilang relasyon.
Bagay na umusbong matapos mapansin ng netizens ang mga pagbabago sa kani-kanilang social media accounts—kabilang na ang pag-unfollow ni Kate kay Fumiya sa Instagram at pagpu-post ng aktres ng ilang cryptic posts na may kaugnayan sa pagpapakatotoo ng isang tao.
Read: Is Kate Valdez-Fumiya Sankai relationship on the rocks?
Bukod pa rito, napansin din ng ilang netizens na hindi na sila nagpu-post ng mga larawan at video na magkasama—na siyang naging dahilan ng espekulasyong hiwalay na sila.
Pagkumpirma nina Kate at Fumiya, totoo ngang break na sila.
Hindi raw naging madali para sa dalawa ang desisyong tapusin ang kanilang relasyon.
Read: Kate Valdez likes "cheating" comments about Fumiya Sankai
Gayunpaman, iginiit nilang walang sama ng loob sa pagitan nila matapos ang paghihiwalay.
Hanggang sa huli ay ginawa raw nila ito nang may paggalang, pag-unawa, at malasakit sa isa’t isa.
Naniniwala raw kasi sina Kate at Fumiya na hakbang ito para sa magkahiwalay nilang healing at self-development.
Mababasa sa kanilang pahayag (published as is): "We want to acknowledge the confusion and speculation caused by our silence and recent changes online. We understand that this has led to various conclusions. This was never our intention.
"From the bottom of our hearts, we are truly grateful for the love, support, and kindness you have shown us throughout our journey.
"Your encouragement has meant so much to us, and we will always carry it with us.
"Following considerable thought, we have mutually decided to go our separate ways.
"This decision was made with respect, understanding, and care for one another.
"We believe that this step is necessary for our personal growth, as we each need time and space to focus on healing and self-development.
"There is no bitterness between us, only gratitude for what we shared and hope for what lies ahead."

Sa huli, nagpasalamat sina Kate at Fumiya sa lahat ng taong nagmahal at sumuporta sa kanilang relasyon.
Kalakip nito, magalang nilang hiniling sa publiko ang pag-unawa at pagrespeto sa kanilang naging desisyon.
Read: Kate Valdez laughs off comment about Fumiya Sankai's sexuality
Pagtatapos ng pahayag: "We kindly ask for your understanding and respect as we move forward separately.
"As we share this, we also hope for kindness and understanding from everyone. We respectfully ask that there be no hate or hurtful words.
"Let us choose empathy, respect, and compassion for all involved.
"We truly appreciate your love and continued support, not as a couple, but as individuals walking our own paths. May we continue to share love.
"With gratitude and respect, Kate & Fumiya."
KATE-FUMIYA RELATIONSHIP
August 28, 2024, nang isapubliko ni Kate ang espesyal na relasyon nila ng dating Pinoy Big Brother housemate na si Fumiya.
Nangyari ito matapos kumalat ang larawan nilang dalawa na magkasamang namamasyal sa Hong Kong Disneyland noong August 24.
Sa panayam ni Kate kay Lhar Santiago ng 24 Oras, sinabi nitong regalo sa kanya ni Fumiya ang nasabing Disneyland trip.
Dating na ba sila?
Sagot ni Kate, "Sobrang happy kami sa isa't isa, sa presence ng isa't isa."
"Are you in love?" diretsong tanong ni Lhar.
Nakangiting sagot ni Kate, "Yes, yes, sobra. And I'm happy, and I'm grateful for him."
