Hindi na apektado si Dawn Chang sa anumang nakaraang isyu nila ng dating co-member ng GirlTrends o GT girl group na si Chie Filomeno.
Mahigpit na magkaaway sina Dawn at Chie sa social media. Pero na rin daw niyang tuldukan ang anumang alitan sa pagitan nila.
Read: Dawn Chang reacts to negative comments after Chienna Filomeno revelations
Kuwento ni Dawn sa PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), "I wanna leave it behind. I wanna focus on beautiful things right now. And matagal ko na siyang sinara."
Wala na raw siyang isyu laban sa mga dating kagrupo sa GirlTrends.
Saad niya pa, "Because I've been so quiet. Sa totoo lang, walang akong issue sa kahit na sino sa kanila.
"So if they have issues with me, e, hayaan niyo na silang mamroblema doon. I don't want to problemahin yung issues ng iba sa akin."
Tungkol naman sa nali-link kay Chie na anak ng mayamang angkan sa Cebu, saad niya, "I'm happy for her."
Read: Chie Filomeno spotted with rumored boyfriend Matthew Lhuillier
DAWN CHANG ON GIRLTENDS ISSUES
Mabilis na nakilala noon ang grupong GirlTrends dahil sila ay regular girl group sa It's Showtime taong 2016.
May dalawampu't dalawa itong miyembro at karamihan sa kanila ay aktibo pa sa kanya-kanyang karera ngayon.
Kabilang na rito sina Dawn, Chie, Maris Racal, Jane de Leon, Barbie Imperial, at Loisa Andalio.
Read: The 22 ladies of GirlTrends: Where are they now?
Ano ba ang naging problema at nabuwag agad ang kanilang grupo noon?
Balik-tanaw ni Dawn, "Marami. Number one, mga may sari-sarili na kasi kaming ginagawa before mabuo yung group.
"So like me, I was doing, Umagang Kay Ganda. I was doing soaps. Yung iba ganun din. May mga soap, may mga shows. So ang hirap naming buuin sa rehearsals.
"Kaya ang hirap mag-ano... tapos, hindi kasi kami lahat mananayaw. Hindi lahat performer. Iba kasi ang performing on stage, iba yung performance on camera, like acting, iba yun.
"So, hindi lahat kasi performers, performers on stage. Kaya, I guess, hindi kami nag-align."
Viral din noong 2019 ang sayaw nila sa It's Showtime na mula sa awitin ni Sam Smith na “How Do You Sleep.”
Hindi sila sabay-sabay sa performance.
Paliwang ni Dawn: "Of course, paano, paano kami magsasabay-sabay, e, ang hirap namin buuin sa rehearsals, di ba? Tapos, hindi lahat mananayaw. So, mahirap. Mahirap, mahirap siya.
"Oo, may T-TH-S. Ako nga, ako mismo, I miss rehearsals.
"We were briefed before na walang leader. Pero I guess because I am the most experienced, parang ganun yung lumalapas.
"And I tried to help them naman as much as I could. I was offering free classes before because I used to be a dance teacher.
"So, ballet teacher and jazz teacher ako before."
Eksklusibong nakausap ng Real Talk ng PEP si Dawn sa kanyang idinaos na birthday pickleball event kamakailan lamang.
Mapapanood na sa YouTube ng PEP ang buong panayam sa kanya.
Read: Andi Eigenmann warns netizens about scammer using her name
