Sunud-sunod na makahulugang post sa Threads ang ibinahagi ng Kapuso actress na si Lexi Gonzales.
Patungkol ito sa pagpapakalat ng maling impormasyon tungkol sa isang tao na aniya’y may kaakibat na malaking kaparusahan sa batas.
Mababasa sa post ni Lexi nitong Linggo, March 1, 2026 (published as is): "Disgusting how some people are like flies who flock on other people's dirty laundry.
"You guys are absolute scum of the Earth.
"Spreading false information and manipulated content of someone is punishable by law."
Inilarawan pa ni Lexi ang mga taong nagpapakalat ng maling balita bilang repulsive o nakakadiri, na aniya’y ginagawa lamang ito upang makapanira ng kapwa.
Saad niya, "Kadiri kayo. Repulsive. You wouldn't know what that means kasi nothing disgusts you."

Is Lexi’s post related to Gil Cuerva’s alleged video scandal?
Hindi malinaw kung ano ang hugot ni Lexi sa kanyang mga post.
Ngunit hinala ng ilang netizens, may kinalaman umano ito sa kontrobersiyang kinahaharap ngayon ng ex-boyfriend niyang si Gil Cuerva.
Read: Kapuso stars Gil Cuerva at Lexi Gonzales, break na?
Noong huling linggo ng February 2026, kumalat online ang diumano’y video scandal ng mga aktor na sina Gil, Nikko Natividad, Ron Angeles, at Arron Villaflor.
Nag-viral ang apat na magkakahiwalay na video na ayon sa netizens ay kahawig umano nina Gil, Arron, Nikko, at Ron.
Read: Alleged video scandal ng "The Big Four" kumakalat
Dahil dito, tinagurian silang “The Big Four” matapos mag-trending sa X (dating Twitter).
Samantala, wala pang inilalabas na pahayag o reaksiyon ang kampo nina Gil, Nikko, at Ron kaugnay sa umano’y video scandal.
Read: Trending "The Big Four": Reality show at video scandal
Nauna nang itinanggi ng actor-politician na si Arron Villaflor ang paratang na siya ang lalaking nasa isa sa mga kumakalat na video.
Sa panayam niya sa Cabinet Files noong February 27, 2026, sinabi ni Arron na bahagi lamang umano ito ng paninira sa kanya noong nangangampanya siya bilang board member ng Tarlac.
“Ginamit pa yung ‘Arron, meron ka raw scandal.’
"Sabi ko, ‘Go! Ipakita ninyo sa akin. E, lahat ng ipinapakita nila, from my Vivamax projects.
"Ay naku, napakadami po [ng smear campaign]. It’s part of the political industry, so depende sa iyo on how you're gonna react."
Read: Arron Villaflor: "No more sexy roles."
Si Arron ay kasalukuyang nakaupo bilang board member sa second district ng lalawigan ng Tarlac.
Read: Arron Villaflor apologizes for viral “pray for Cebu” post
