Humingi ng paumanhin sa publiko ang actor-turned-politician na si Arron Villaflor matapos batikusin ang kanyang "Pray for Cebu" post sa social media.
Noong October 1, 2025, nagpaabot ng pakikisimpatiya at panalangin ang aktor at provincial board member ng ikalawang distrito ng Tarlac sa mga Cebuano na naapektuhan ng magnitude 6.9 na lindol.
Read: Lindol sa Cebu at pagputok ng Taal Volcano, yumanig sa Pilipinas
Isang art card na may nakasulat na "Pray for Cebu and those affected by the earthquake" ang ibinahagi ni Arron.
Kalakip nito ang mensahe ng pakikiramay niya sa mga pamilyang nawalan ng mga mahal sa buhay dahil sa pagguho ng ilang bahay at establisimyento nang tumama ang lindol.
Bagamat maganda ang intensiyon at hangarin ni Arron sa kanyang post, marami sa netizens ang ginawa itong katatawanan.
Read: Thomas Markle, itinangging na-trap dahil sa lindol sa Cebu
Marami kasing nakapansin sa art card na tila nag-ala "Santino" raw ang aktor.
Santino ang pangalan ng karakter ni Zaijian Jaranilla sa defunct hit teleserye ng ABS-CBN na May Bukas Pa (2009), kunsaan gumanap siya bilang batang nakikita at nakakausap si Hesukristo. Mayroon din siyang kakayahang pagalingin ang mga may sakit.
Sa art card kasi ni Arron ay makikita siyang nakasuot ng pulang polo at aktong parang nagdarasal.

May ilan ding kinuwestiyon ang paglalagay sa litrato ng actor-politician sa art card ng paghingi niya ng tulong at dasal, na anila'y mala "trapo."
Dahil sa pagba-viral, mabilis na binura ni Arron sa kanyang social media accounts ang nasabing post.
Read: Arron Villaflor removes "pray for Cebu" post amid criticisms
Arron blames social media team for viral post
Sa grand mediacon ng historical film na Quezon ngayong Martes, October 7, nahingan ng reaksiyon si Arron tungkol sa kanyang viral at deleted post.
Si Arron ay isa sa cast ng Quezon, kung saan bida si Jericho Rosales bilang si dating Pangulong Manuel L. Quezon.
Read: Jericho Rosales urges Filipinos to speak out against corruption
Pag-amin ni Arron, ang kanyang social media team ang nasa likod ng nag-viral niyang post.
Maging siya ay nagulat din daw nang makita ang kanyang litrato sa art card kung kaya't agad-agad daw niya itong pinabura.
Saad niya: "First of all, gusto kong humingi ng pasensiya. I just want to apologize.
"It was a lapse from my social media team and I told them na, 'Wala, nandito na tayo, let's just learn from our mistakes.'
"For me naman kasi, I [am] a public servant of Tarlac, ito lang naman yan, e, the intention was there but the photo didn't land well or fit with that prayer or post.
"So, sa lahat po ng mga kababayan natin dito sa Pilipinas, ako'y humihingi ng tawad mula sa aking social media team."
Biro pa niya, "Natutuwa nga ako dahil kumalat siya nang maigi, ganun pa pala ako ka-relevant sa mundong ito, no?"
@pepalerts Arron Villaflor apologizes for his viral “pray for Cebu” post. #EntertainmentNewsPH #PEPNews #NewsPH ? original sound - PEP.ph
Arron believes public has the right to voice their opinions
Tinanong din si Arron kung nasaktan ba siya sa mga natanggap na negatibong komento dahil sa kanyang post.
Read: Arron Villaflor's Near Quit in Showbiz
Ayon sa actor-politician, naiintindihan niya kung may paghihinala ang iba sa kanyang pamumuno. Marahil ay nag-iingat at mabusisi na raw ngayon ang taong-bayan bunsod ng nangyayaring korapsyon sa bansa.
Tugon niya: "Hindi natin masisisi yung mga tao ngayon, everyone has the right to say their opinions, everyone has the right to say their arguments or, like, bad things that they want to say regarding our government.
"Sa gobyerno natin, kahit na nasa politics na rin ako, hindi natin masisisi yung mga tao dahil, I guess, naging outlet tayo ng kanilang anger, no, which is okay.
"Kasi ganyan talaga, tao lang rin naman tayo, may emotion, may pakiramdam.
"Sa akin lang, kailangan mabago na yung old political system na matagal na tayong nakulong.
"And me, as a public servant, ginagawa ko lang kung ano yung mga ikabubuti ng mga kababayan ko.
"Just being real, no, wala akong itinatago, ayaw kong mag-filter dahil sobrang hate na hate ko na mag-filter. Sawang-sawa na ako diyan."
Read: Anita Rose Gomez speaks out against ongoing corruption scandals
lesson learned from viral post
Sabi niya: "In my case, thank you for giving me this chance and to apologize.
"As a public servant, as a young leader of Tarlac or dito sa Pilipinas, this is my advocacy now—let's just be aware on our surroundings.
"Ito lang naman kasi yan, sa lahat ng iba't ibang ahensiya ng government, let's just be aware on our surroundings for us to execute it well on that situation and for us to project on ourselves and to serve with integrity and transparency with people."
