Gusto raw ni Sofia Trazona na maging normal na ang pagpu-post niya sa social media ng mga larawan nila ng kanyang biological father na si Michael Navarro.
Kaya naman sa Instagram kamakailan lamang ay nagbahagi si Sofia ng mga larawang kuha nang minsan silang magkita ng ama.
Kasama ni Michael ang little brother ni Sofia.
Sabi ni Sofia sa caption: "this has to be part of my feed… iloveyou father dear [heart emoji]"
View this post on Instagram
Si Michael ay isa ring dancer at founder ng dance group na Philippine Island Assassins.
Si Michael ay dating karelasyon ni former SexBomb Girls member Izzy Trazona, ina ni Sofia.
Ang asawa ngayon ni Izzy ay ang kontrobersiyal na si former StarStruck Season 1 contestant Alvin Aragon.
Ayon kay Sofia, tanggap na tanggap siya ng kanyang ama mula noong una siyang nag-out.
Sabi nga niya sa TikTok noong February 12, 2026, tungkol kay Michael: "And sobrang totoo po yan. Na dumating sa point si Papa na dati tawag niya sa akin Andrei, pero ngayon Sofia na.
"Mapa sa pagda-drag, mapa sa pagiging trans ko, sobrang supportive niya.
"Dumating din sa point na binili niya na ako ng maraming makeup na MAC.
"Dahil nga, supportive siya sa trabaho ko, supportive siya sa ginagawa ko, wala siya nakikitang mali sa ginagawa ko.
"Pati hormones ko, siya na din bumibili minsan."
Read: Sofia Trazona grateful to her dad for supporting her transition
MICHAEL navarro GETS MISTAKEN FOR JAY-R SIABOC
Ibinahagi rin ni Sofia ang larawan nila ng ama at kapatid sa kanyang TikTok account.
Sabi niya sa caption, "i love you father dear [heart emoji]"

Pero sa mga komento, napagkamalan ng maraming netizens si Michael bilang si Jay-R Siaboc, ang singer na produkto ng Pinoy Dream Academy (PDA).
Sabi ng isang nagkomento, "nagulat ako nireveal nyang tatay si Jay R Siaboc [crying emojis]"

Saad ng isa pa, "Si JayR Siaboc diay iyang papa?"

Tanong ng isa pa, "TOTOO BA TALAGA SI JAY AR SIABOC PAPA NYA?"
Sagot ng isang netizen, "nope, michael navarro po ata name ng Dad nya"

Ayon sa isa pa, "Natatawa ako sa comment na si Jay-R Siaboc ang tatay eh, Nope po.. Si Michael navarro tatay nyang tunay"

Paglilinaw ng isa, "hindi si jay R siaboc dad nya dancer yun hindi singer. kahawig lang ni jay r siaboc dyan sa picture nila na yan pero mikel arapelis po ata name ng dad nya sa pagkakaalam ko."

Read: Ellen Adarna bonds with John Lloyd, Isabel Santos in Amanpulo
