PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

"Tanghalan ng Kampeon" contestant collapses during performance

The fate of Eula Bautista will be announced tomorrow, March 11, 2026.
by Arniel C. Serato
Published Mar 10, 2026
TiktoClock issues statement after Tanghalan contestant collapsed
Kim Atienza on "Tanghalan ng Kampeon" contestant Eula Bautista of TiktoClock: "Hinimatay ang kampeon na si Eula Bautista. Kinailangan nating mag-commercial break para matugunan ng ating medical personnel si Eula. Sa ngayon ay kasalukuyan pong inoobserbahan ng medical team ang kalagayan ni Eula."
PHOTO/S: Courtesy: TiktoClock on Facebook

Ikinagulat ng mga manonood ng TiktoClock ng GMA-7 nang biglang mag-collapse ang contestant ng "Tanghalan ng Kampeon" na si Eula Bautista sa live episode ng programa ngayong Martes, March 10, 2026.

Nangyari ito habang kumakanta si Eula sa back-to-back tapatan nila ng isa pang contestant na si Princess Palti.

Nag-commercial break kaagad ang programa dahil sa pangyayari.

TiktoClock staff rushed to help Eula Bautista after she collapsed during her performance on
TiktoClock staff rush to help Eula Bautista after she collapsed during her performance on "Tanghalan ng Kampeon."
Photo/s: Courtesy: TiktoClock on Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Pageant runner-up clarifies serenade issue with Derrick Monasterio

TiktoClock STATEMENT

Pagkatapos ng commercial break, nagsalita si Kim Atienza at ang isa sa mga hurado ng "Tanghalan ng Kampeon" na si Renz Verano.

Saad ni Kuya Kim: "Mga Tiktropa kung nakita ninyo ang nangyari kanina, nagkaroon po ng emergency dito sa studio.

"Hinimatay ang kampeon na si Eula Bautista. Kinailangan nating mag-commercial break para matugunan ng ating medical personnel si Eula.

"Sa ngayon ay kasalukuyan pong inoobserbahan ng medical team ang kalagayan ni Eula.

"Kung sakali hindi na kaya ni Eula makapag-perform, inampalan, ano po bang mangyayari sa competition?"

Kasunod na nagsalita si Renz.

Ayon sa singer: "Sa ngayon, Kuya Kim, ang priority po natin ay yung kalusugan ni Eula.

"We're hoping and praying na okay naman siya. First time po na nangyari to, Kuya Kim.

"Priority po natin ay yung kalusugan ni Eula. We're hoping and praying na okay naman siya.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"First time po na nangyari ito kaya medyo na-shock [kami] sa nangyari.

"Kung anuman ang mapagdesisyunan namin bilang inampalan, ipapaalam po namin sa inyo bukas."

Pagpapatuloy naman ni Kim: "Mga Tiktropa, kung anong magiging decision ng ating inampalan, kung makakapagpatuloy pa si Eula sa laban, aalamin po natin yan bukas.

"Bibigyan po namin kayo ng update sa kalagayan ni Eula.

"For now, samahan niyo po kami magdasal na maging ligtas si Eula at sana walang seryoso ang nangyari sa kanya. Mag-ingat po tayong lahat."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Former child content creator accuses mom of abuse; mom responds

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim Atienza on "Tanghalan ng Kampeon" contestant Eula Bautista of TiktoClock: "Hinimatay ang kampeon na si Eula Bautista. Kinailangan nating mag-commercial break para matugunan ng ating medical personnel si Eula. Sa ngayon ay kasalukuyan pong inoobserbahan ng medical team ang kalagayan ni Eula."
PHOTO/S: Courtesy: TiktoClock on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results