Hindi totoong nagdadalantao si Janine Gutierrez.
Ito ang nilinaw ng Kapamilya actress matapos kumalat ang haka-hakang buntis umano siya sa anak nila ng nobyong si Jericho Rosales.
Noong March 9, 2026, nag-post si Janine ng mga larawan na kuha nang siya ay dumalo sa kasal ng isa niyang malapit na kaibigan.
Kasama sa larawan ang mga kapatid niyang sina Jessica at Max Gutierrez, pati na rin ang boyfriend ng aktres na si Jericho.


Sa comments section, isang netizen ang nagtanong kung totoong buntis ang aktres.
"Sabi sa balita buntis daw si ate Janine? Pero di naman siya mukhang buntis dito," komento nito.
Read: Nico Locco on leaked video scandal: "Yes. It’s me."
Tila tinutukoy ng netizen ang gown na suot ni Janine, na hindi nagpapakita ng anumang “baby bump,” na madalas gawing basehan ng ilan kapag may buntis na celebrity.
Mariin itong pinabulaanan ni Janine.
Ang diretsong sagot niya sa comment, "FAKE NEWS!!!!!!"
Read: Arron Villaflor finally addresses alleged video scandal
JANINE SHUTS DOWN ENGAGEMENT RUMORS WITH JERICHO
Bago pa ang isyung pagbubuntis, naugnay na rin si Janine sa balitang engaged na raw sila ni Jericho.
Noong Araw ng Kagitingan, April 9, 2025, kumalat ang litrato ng isang paraw o sailboat sa Boracay na may nakasulat na, “Janine Gutierrez said Yes!”
Nilinaw ito ni Janine sa isang panayam noong June 20.
“Walang kamalay-malay siya na siya na yung napagbintangan sa mga paraw sa Boracay!” natatawang kuwento ni Janine tungkol sa naging reaksiyon ni Jericho.
“Pati siya nagulat, 'Ah, okay ito, ah!’
"But I really love that campaign na it’s a reminder na before you say yes to anything else, say yes to health.”
Read: Janine Gutierrez, itinangging engaged na kay Jericho Rosales
Ito ang kumpirmasyong walang katotohanan ang mga haka-hakang inalok na siya ng kasal ng kanyang boyfriend.
Mahigit isang taon nang magkarelasyon sina Janine at Jericho.
Noong September 6, 2025, ipinagdiwang ng dalawa ang kanilang first anniversary.
