PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Is Jake Cuenca ready to fall in love again?

Jake is presently "enjoying someone's company."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Mar 25, 2026
Is Jake Cuenca ready to fall in love again?
Jake Cuenca confirms he's now dating someone: "I'm in that stage where I'm enjoying my time. That's also part of enjoying Jake's life. So parang, I'm finding myself again. And I'm really lucky to be meeting like amazing people at the same time."
PHOTO/S: Khryzztine Joy Baylon

Inamin ni Jake Cuenca na bukas na siya sa posibilidad na magmahal ulit, pero hindi siya nagmamadaling pumasok sa isang relasyon.

Si Chie Filomeno ang huling nakarelasyon ni Jake, na kinumpirma ang kanilang hiwalayan noong Oktubre 2025.

Ayon sa aktor, ine-enjoy niya ngayon ang pagiging single at nais niyang sulitin ang yugtong ito ng kanyang buhay hanggang sa mahanap niya ang babaeng muling magpapatibok sa kanyang puso.

Pahayag ni Jake nang makapanayam siya ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) sa finale presccon ng What Lies Beneath noong March 10, 2026: "Honestly, I'm in that stage where, definitely, I'm moving on my own time, e.

"Parang I'm really enjoying the stage of being single. Like, I just want to make that clear.

"Parang ine-enjoy ko yung parang wala kang, you know, that type of responsibility or that type of commitment."

Read: Jake Cuenca closes chapter of his life with Chie Filomeno

Dagdag pa ni Jake, masaya siya sa estado ng kanyang buhay kung saan nakaka-meet siya ng ibang tao, at naa-appreciate ang mga simpleng koneksiyon nang walang pressure.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad niya: "I'm enjoying having fun in life and enjoying someone's company.

"And I'm enjoying also the concept of, if I'm on a date, it's my obligation to make this date the best date for this girl who crossed me.

"So I'm enjoying that and finding it again. So for me, like, moving on—on my own time."

Jake CONFIRMS HE'S now DATING SOMEONE

Sa nasabing panayam, kinumpirma ng aktor na nakikipag-date na siya ulit.

Kamakailan lamang ay pinag-usapan online ang kuhang litrato ni Jake na may kasamang babae sa Bonifacio Global City sa Taguig.

Read: Jake Cuenca spotted with a mystery girl in BGC

Sa kumalat na larawan, makikitang ka-holding hands niya ang hindi pa nakikilalang babae habang naglalakad sila papatawid sa isang kalye sa BGC.

Sabi ng aktor: "Well, I'm single...I'm in that stage where I'm enjoying my time. That's also part of enjoying Jake's life.

"So parang, I'm finding myself again. And I'm really lucky to be meeting, like amazing people at the same time.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Really fortunate to be meeting like, you know, amazing people who are great company as well."

Tila may pagbawi rin si Jake sa sinabi niya noon na kung papasok siya muli sa isang relasyon ay nais niya sanang hindi taga-showbiz ang babae.

Is Jake Cuenca ready to fall in love again?
Photo/s: Khryzztine Joy Baylon

"Can't really make those promises. Sa akin, I like what I like. Kung may gusto ko, gusto ko talaga.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"So whether it showbiz, non-showbiz, I can't really promise that.

"You know, for me, I like what I like. So kapag gusto ko ang isang babae, it doesn't really matter to me if she's showbiz or non-showbiz.

"What matters is what how feel for the person."

JAKE ON HOW HE TREATS WOMEN

Ibinahagi rin ni Jake ang kanyang pananaw pagdating sa pakikipagrelasyon at kung paano niya tratuhin ang isang babae, kahit pa nasa dating stage pa lamang sila.

Lahad niya: "For me, like, I feel like a woman should be proud to be a woman.

"So if I'm with a woman, you know, regardless if I'm just dating her, or my partner, responsibilidad ko siya e.

"So, I'm gonna treat her to the best of my capability."

Read: Did Sofia Andres react to Chie-Matthew rumored breakup?

Dagdag pa ni Jake, likas sa kanya na kapag siya ay may gusto ay hindi niya ito kailangang itago sa publiko.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Diin niya, ibinibigay na nga niya ang buong dedikasyon sa kanyang trabaho bilang aktor, nais naman niyang maging malaya at totoo sa kanyang personal na buhay.

"Now, like, I don't sell false promises, of course. Pero I'm never gonna be that type of person who's hiding.

"I like to move, like, ang dami ko na binibigay sa trabaho ko in terms of, like, committing and dedicating myself to roles.

"So, when it comes to my personal life, I'm gonna live it the way I wanna live it. And I'm not gonna hide," saad niya.

JAKE-CHIE RELATIONSHIP

Halos dalawang taon ang itinagal ng relasyon ni Jake kay Chie.

Jake Cuenca and Chie Filomeno unfollow each other on Instagram
Jake Cuenca and Chie Filomeno.
Photo/s: @kapamilyatfc Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong kinumpirma ni Jake na hiwalay na sila ng aktres, nagkuwento siya kung paano hinarap ang sakit.

Saad niya noon sa isang panayam: "This whole experience, truthfully, I went through it by myself.

"Sobrang na-enjoy ko yung parte ng buhay ko na yun kasi, ito, private.

"So, I also grieved this alone and in private.

"And the most part, I'm okay, but of course, di ba, parang, like I said, parang, it would be nice to, you know, have some time, two weeks or three weeks.

"And the most part, I'm okay, but of course, di ba, parang, like I said, parang, it would be nice to, you know, have some time, two weeks or three weeks.

"But again, I have to just remind myself na the last time I went through this, ang hirap ng buhay ko noon. I didn't have a lot of things with me.

"This time in my life, I have so many things na."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Jake Cuenca reveals going through breakup alone and in private

Matapos ang relasyon kay Jake ay naugnay si Chie kay Matthew Lhuillier, na mula sa kilalang angkan ng mga negosyante sa Cebu.

Makailang beses na nakitang magkasama ang dalawa sa mga pampublikong lugar.

Sa huling ulat ng PEP noong March 21, sinasabi ng mapanuring netizens na diumano ay nagwakas na ang relasyon nina Chie at Matthew.

Ito'y matapos muling lumitaw sa Instagram feed ni Matthew ang mga larawan ng ex-girlfriend niyang si Jolie Jurkovich.

Ayon sa ilang comments, indikasyon daw ito na maaaring nagkabalikan ang dalawa.

Read: Matthew Lhuillier unarchives posts with Jolie Jurkovich amid split rumors with Chie Filomeno

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Jake Cuenca confirms he's now dating someone: "I'm in that stage where I'm enjoying my time. That's also part of enjoying Jake's life. So parang, I'm finding myself again. And I'm really lucky to be meeting like amazing people at the same time."
PHOTO/S: Khryzztine Joy Baylon
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results