Itinanggi ni Elmo Magalona ang mga haka-hakang nagkaroon sila ng relasyon ng Kapuso singer-actress na si Julie Anne San Jose.
Sa pagbisita ng singer-rapper, kasama ang kapatid na si Arkin Magalona, sa Fast Talk with Boy Abunda nitong Biyernes, March 27, 2026, naitanong sa kanya ang relasyon nila ni Julie Anne sa kasagsagan ng popularidad ng kanilang tambalan noon.
Dating magka-loveteam at palaging nagko-collaborate sa ilang musical works sina Elmo at Julie Anne noong nasa bakuran pa ng GMA-7 ang aktor.
Nagkasama rin sila sa pelikula gaya ng Just One Summer sa ilalim ng GMA Films at sa youth-oriented show na Together Forever noong 2012, kunsaan maraming fans ang nahumaling sa kanilang chemistry.

Hanggang noong 2015, lumipat sa ABS-CBN si Elmo kunsaan naipareha naman siya kay Janella Salvador, na kalaunan ay kanyang naging nobya.
Read: Janella Salvador confirms she was hurt physically by Elmo Magalona
Kaugnay nito, naitanong ng host na si Boy Abunda kung nagkaroon ba ng relasyon sina Elmo at Julie Anne bago siya lumipat ng network.
Sagot ni Elmo, "No! We were very good friends [who] really wanted to help each other bring our careers up during that time."
Sundot na tanong ni Boy, “During your time, did you pretend to the fans that you were together?”
Sabi ng aktor: "Hindi naman. But there were times na yung mga nagsu-support sa amin, they would think na kami.
"Parang ganun yung nakikita nila during the time na we were having loveteam performances together.
"But, yeah, we were really good friends."
Read: Elmo Magalona, open sa possible collaboration kay Julie Anne San Jose
Did Elmo try to court Julie Anne?
Nilinaw rin ni Elmo na hindi niya umano sinubukang ligawan si Julie Anne.
Aniya: "We both had the same vision, like, I really admire her work ethics, sobrang sipag, and responsible.
"She's a very talented woman. I think we were just really too young to really give what the supporters wanted.
"We were really doing it because we both enjoyed performing, pero it just got to a point where people are looking for something more."
Sa ngayon, masaya si Julie Anne sa piling ng kanyang nobyong si Rayver Cruz, habang si Elmo ay single sa kasalukuyan.
Read: Julie Anne San Jose prays to be ready for marriage
Pahayag ni Elmo kaugnay sa kanyang pagiging single: “For me, it's kind of hard to go back to some relationship.
"I think right now, I just want to like chill lang and not to look into a relationship right now.”
