PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jake Cuenca, Rabiya Mateo spotted chilling together in Baguio

Jake Cuenca, Rabiya Mateo spotted together in Baguio.
by Arniel C. Serato
Published 14 hours ago
Jake Cuenca, Rabiya Mateo together in Baguio
Actor Jake Cuenca on rumored girlfriend Rabiya Mateo: "Beautiful inside and out."
PHOTO/S: Instagram

Hindi na talaga itinatago nina Jake Cuenca at Rabiya Mateo ang pagiging malapit nila sa isa't isa.

Sa Instagram Story niya nitong Miyerkules ng gabi, April 15, 2026, ibinahagi ni Jake ang larawan nila ni Rabiya habang nakaupo sila sa isang sofa na nasa balkonahe ng isang hotel.

Kitang-kita sa likuran nila ang mapunong bahagi ng lugar.

Naka-tag dito si Rabiya at dinagdagan ng aktor ng "heart" emoji.

Jake IG Story
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ni-repost ito ni Rabiya at nilagyan niya ng location kung nasaan sila: Baguio Country Club (BCC), Baguio City.

Rabiya IG Story

Ngayong Huwebes ng umaga, April 16, ibinahagi naman ni Jake ang shoort Reel kung saan masaya si Rabiya na pinagmamasdan ang kanyang standee para sa Baguio Country Club Raisin Bread, kung saan siya ang endorser.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Rabiya with bread

Mahalagang bahagi ng karera ni Rabiya ang BCC dahil dito siya kinoronahan bilang Miss Universe Philippines 2020.

Read: Rabiya Mateo of Iloilo City crowned as Miss Universe Philippines 2020

Jake oN Rabiya: "Beautiful inside and out."

Sa post ng One Race for Filipino, isang non-profit organization, tumulong si Rabiya sa pamamahagi ng relief goods para sa drivers sa Tondo, Manila, noong nakaraang linggo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Saad sa post, "Kindness begins with the understanding that we all struggle."

Si Jake ang unang nagkomento sa post.

Aniya, "Beautiful inside and out. [smiling face with heart-eyes emoji]"

Tugon ni Rabiya, "sweetest [heart emoji]"

Jake Cuenca comment on post about Rabiya

Huling namataan sina Jake at Rabiya sa isang public event ng isang footwear brand sa Parañaque City.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Magka-holding hands sila nang dumating at sweet na sweet sa isa't isa.

Gayunpaman, hindi pa rin diretsong umamin ang dalawa sa estado ng kanilang relasyon.

Read: Jake Cuenca, rumored GF Rabiya Mateo attend an event together

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Actor Jake Cuenca on rumored girlfriend Rabiya Mateo: "Beautiful inside and out."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results