Mariing itinanggi ng kampo ni Hev Abi ang lahat ng alegasyon kaugnay ng pagkakaaresto sa OPM rapper-singer ng Criminal Investigation and Detection Group–National Capital Region (CIDG-NCR).
Sa official statement na inilabas ng music label ni Hev Abi, ang Urban Department, ngayong Huwebes ng gabi, April 16, 2026, iginiit nilang isa lamang “misunderstanding” ang nangyari sa pagkakaaresto sa rapper.

Mababasa sa kanilang pahayag na inilathala sa kanilang social media pages: "On behalf of Hev Abi, we categorically deny any and all allegations pertaining to this misunderstanding that lead to his situation last April 14, 2026.
"Our legal counsel is working with the designated authorities in finding a solution."
Kalakip nito ang pasasalamat ng ahensya sa mga tagahanga ni Hev Abi na nagpapakita ng suporta sa gitna ng kontrobersiyang kinakaharap ng singer.
Saad nila, "From the bottom of our hearts, thank you to everyone who continues to show their support."

HEV ABI'S ARREST
Hapon ngayong April 16, Huwebes, nang kumpirmahin ng CIDG-NCR ang pag-aresto kay Hev Abi, Gabriel Abilla sa tunay na buhay, matapos siyang mahulihan ng hindi lisensyadong baril at mga ilegal na droga noong madaling araw ng April 14.
Ayon sa CIDG-NCR, nagsilbi sila ng search warrant sa inuupahang apartment ni Hev Abi, matapos silang makatanggap ng impormasyon na mayroong baril ang nasabing OPM singer.
Read: Rapper-singer Hev Abi arrested in firearms, drugs search
Sa operasyon, nakumpiska ang G3 Taurus caliber 9mm pistol, isang magazine, at 15 piraso ng live ammunition para sa nasabing kalibre ng baril.
Bukod pa rito ang narekober na apat na pakete ng cocaine at ilang mga paraphernalia na may laman umanong suspected marijuana.
Maliban kay Hev Abi, arestado rin ang anim pa niyang kasamahan sa isinagawang operasyon ng CIDG.
Sa panayam ng ABS-CBN News kay Police Col. John Guiagui, chief of CIDG-NCR, sinabi niyang positibo diumano si Hev Abi sa shabu at marijuana.
Habang positibo sa marijuana ang anim pa niyang kasamahan.
Dahil dito, nahaharap sila sa mga kasong paglabag sa Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act at Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
Read: Kathryn Bernardo revisits Bhutan 14 years after Princess and I
