Matapos makaranas ng bashing at kaliwa't kanang batikos dahil sa kanyang apela sa social media na mabigyan ng trabaho, unti-unti nang nagbubunga ang mga sakripisyo ng singer at comedienne na si Tuesday Vargas.
Noong nakaraang buwan, natiyempuhan ng Real Talk ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Tuesday sa Chairman's Lounge ng Okada, Manila, sa Parañaque City.
Noong araw na iyon, March 11, 2026, nagpunta ang Real Talk sa Okada para sa exclusive interview kay Zeinab Harake, na muling pumirma ng kontrata sa Luxe Slim ng enterpreneur na si Anna Magkawas.
Pero isang sorpresa rin pala ang nag-aabang kay Tuesday—ang on-the-spot endorsement contract mula sa Luxe Slim bilang endorser ng kanilang Caffé Macchiato.
Read: Pretty Young Star at Tall & Handsome Personality, magpapakasal na
TUESDAY'S APPEAL for work ON SOCIAL MEDIA PAYS OFF
Matagal nang nagpaabot ng mensahe ang PEP kay Tuesday upang siya ay makapanayam.
Dahil kasagsagan noon ng mga batikos at pang-aalipusta laban sa kanya, hindi muna siya pumayag.
Pero dahil sa Okada event, pumayag na rin siya sa isang exclusive interview para sa PEP.
Ibinahagi ni Tuesday kung paano sila nagkakilala ni Anna Magkawas
Lahad niya: "Si Ms. A, kilala ko na siya before pandemic pa. Kasi nung bag days, na mahilig ako sa bag, alam mo yan... dati, si benta rin ako.
"So, meron kaming small network of sellers before. And I was so surprised na siya ventured into, you know, making her own products.
"Tas, ayan na siya, isa na siyang ganap na Anna Magkawas. Ayun.
"So one day, she messaged me out of the blue. Walang kaming... matagal kaming di nag-usap, like years.
"Sabi niya sa akin, 'Uy, baka meron akong opportunity for you.'
"'Alam mo ba...' sabi niya sa akin, photoshoot lang.
"Tas pagdating ko dito, as in today ko lang din nalaman na full-blown contract na yung in-offer.
"Super-iyakan kami diyan kanina sa kabilang ano [room]."

Read: Jake Cuenca gives Rabiya Mateo piggyback ride during movie night
THE BASHING SHE ENDURED
Noong February 2026, sa pamamagitan ng social media, umapela ng trabaho si Tuesday mula sa mga kakilala at mga kasamahan sa showbiz para magkaroon siya ng sustainable income na hindi na kailangang magalaw ang kanyang ipon.
Buong mensahe: "Sa mga kaibigan kong writer, producer at director po, kung meron po kayong projects para sa akin ay available po ako. I am a diligent worker and Id like to believe that I am a good and versatile artist.
"Please hire me po. Promise pag huhusayan ko po. Salamat po"
Read: Tuesday Vargas pleads for work from industry friends
Pahayag ni Tuesday sa Real Talk: "Ano, tao lang tayo, siyempre, nakakagulat na ganun yung response ng mga tao.
"Though I was pleasantly surprised na lamang talaga, mas marami yung na-inspire, yung mga nagsabi sa akin na through PM na, 'Because of you, nag-ask din ako for help, which is very hard for me to do, kasi nga napaka-strong ng personality nila,' ganyan, ganyan.
"Tas sabi ko... e. minsan, akala natin admission of failure ang pag-ask ng help.
"But isa yan sa pinakamagandang step na ginagawa ng isang matalinong tao na nili-let go mo yung ego mo because in this day and age, ang matino at malinis na source ng income ay hindi ikinakahiya.
"So, dapat hindi natin siya... kaysa magnakaw o gumawa ng ilegal, di ba?
"Tsaka hindi naman ako, like, sobrang naghirap, na lumugmok. Hindi ko na hinintay umabot doon. Kumbaga, ang kailangan ko is consistent work."
Sa lahat ng ito, ano ang naging realizations niya?
Ayon kay Tuesday: "Ang major realization ko, lagi ko din to sinasabi, 'no, na ganun pala gumalaw ang Panginoon, 'no.
"Bago ka Niya iangat, e, madudurog ka muna. Tapos hindi yun pagiging malupit o pagiging pananadya, kumbaga, na parang sinadya kang diinan at sakitan.
"Siguro binibigay lang sa yo yung value nung wala ka. Yung value na may kinukuha sa yo.
"Para pag dumating, mas pahalagahan mo. Mas bigyan mo siya ng importansiya. Na alam mo na ngayon yung gagawin mo.
"Parang yung paulit-ulit mong pagkakamali, e, minsan sa buhay mo, e, sisingilin ka niya.
"Ngayon, pag hindi ka nakinig sa lesson na gusto niyang ituro, uulit ka lang ulit."
At sa lahat ng ito, "ego" raw ang pinakamahigpit na kalaban ng isang tao upang siya ay mabuhay nang matiwasay.
Saad ni Tuesday: "Yan ang pinakamatindi nating kalaban. Kasi ang ego is our enemy towards us being closer to God.
"Kasi ang humility, kasi talaga yan ang one of the ways na ma-admit mo sa sarili mo na you're not enough as a human.
"Kumbaga, you always need divine intervention for you to accomplish great things.
"Kasi no matter how talented you are, how blessed you are, if the Lord is not present in your life...
"I don't mean to be ano, preachy, ha, kasi hindi naman ako sobrang relihiyosong tao, e, maano lang ako sa faith ko na hindi pa rin ako pinabayaan ng Diyos. Hindi pa rin ako natalo."
Sa mga tumatawag sa kanyang "laos," may pahayag si Tuesday tungkol dito.
Aniya: "Ay, okay lang, at least sumikat minsan, di ba? Tsaka, there's no such thing as laos. Huwag na huwag ninyong sasabihin yun.
"Kasi kung ito ang laos, and hindi na nga ako magkandamayaw na kung san man ako, 'Tuesday, pa-picture. Tuesday, ganyan...'
"Talagang hinahatak ako ng mga tao from all sides kasi na-etch ko na yung pangalan ko sa industry.
"So, I have nothing to prove. I have nothing to explain.
"All I need to focus on is my career, my personal life, and protecting my peace."
Samantala, abangan ang full Real Talk interview ni Tuesday sa PEP.ph YouTube channel sa susunod na linggo.
Dito ay ikukuwento ni Tuesday ang pinakamadilim na napagdaanan niya sa buhay.
Ang tangka niyang pagkitil sa kanyang buhay at kung paano niya nalagpasan ang mental health issue na ilang taon nang sumusubok sa kanya.
At ang bunga ng kanyang apela sa social media kung saan pati cruise abroad ay naregaluhan siya at kumita pa.
Read: Kim Chiu marks birthday by giving free gasoline, grocery packs
