Maraming mga tagasuporta ni Pasig City Mayor Vico Sotto ang ngayon pa lang ay nanghihinayang na wala siyang planong tumakbo sa 2028.
Matatapos na ang pangatlo at huling termino ni Vico bilang alkalde ng Pasig sa June 2028.
Ngunit idineklara na niyang hindi siya tatakbo sa anumang posisyon sa susunod na halalan.
Read: Tuesday Vargas receives on-the-spot endorsement contract
MAYOR VICO SOTTO very proud of new PASIG city hall
Sa pakikipagkuwentuhan ni Mayor Vico sa mga bagong halal na opisyal ng Multi-Media Press Society of the Philippines, Inc. (MMPRESS) noong Miyerkules, April 22, 2026, sa Temporary Pasig City Hall, isa sa ipinagmamalaki niyang accomplishment ay ang malapit nang matapos na modern city hall.

Pero bago ito, nagbigay muna siya ng update sa lungsod na kanyang pinamumunuan.
Kumusta siya bilang ama ng "kontrobersiyal" na lungsod ng Pasig?
Natatawang pagkontra ni Mayor Vico: "Hindi naman kami controversial dito. Kumbaga, ano lang, kung ano tingin natin tama, tayuan natin.
"E, kahit minsan hindi convenient, di ba? May mga magagalit sa yo.
"Pero kung within... sa ngayon sa LGU [local government unit] naman namin, siyempre marami rin problema.
"Pero steady naman kami. Hindi naman problema.
"Sa pamilya pa lang, di na mauubusan ng problema, e, di ba? Ano pa kaya yung isang buong LGU, di ba?
"Ang dami talagang ano, challenges every day. Pero okay, okay naman. Gandang progress mga flagship projects."
Isa sa big-ticket project ni Mayor Vico ay ang environment-friendly at earthquake-resilient modern city hall, na kasalukuyan nang tinatapos.
"Oh, yeah, new city hall. 2027. So, malapit na," sambit ng alkalde.
May budget itong PHP9 billion at tinatayang tatagal ng isandaang taon.

Read: Is this Matet’s reaction to inheritance issue with brother Ian?
BEST CITY HALL?
Magiging "best city hall" ba ito sa buong Pilipinas?
Saad ni Mayor Vico: "Ayoko naman magsabi niyan. But it will be good, definitely.
"Tsaka ano yan, ang target kasi namin, it's a city hall that will last for 100 years.
"It sounds unbelievable but we'll make it happen."

Sustainable din ba ang ipinapatayo nilang city hall?
"Yes, yes," mabilis na pagkumpirma ni Mayor Vico.
"Pati yung mga bintana, lahat pinag-aralan kung papaano yung flow ng hangin, yung wind flow, disaster resilience, earthquake proof...
"Actually, kaya yung mahal din sa kanya, yung pagiging earthquake resilient niya. Kasi ang city hall area, hindi naman siya sa fault line mismo, but malambot yung lupa.
"In fact, noong nag-soil investigation kami, noong nag-soil test na, e, di siyempre bababa ka, hanapin mo yung matigas na lupa, di ba, yung bedrock.
"Baba, baba, 20 meters, 30 meters, 40 meters, nasa 60 meters na sila, malambot pa rin.
"So, nagbago ng design. So, may mga state-of-the-art based isolators kaming nagamit.
"And then, maganda yung engineering design.
"So, actually ang concept niya, may base isolator, ganun, di ba, parang nakapatong.
"Kasi pag may earthquake, gagalaw yung ilalim, pero yung building di mo makikitang gumagalaw.
"Kung nasa loob ka... di ba, usually kung nasa building ka, let's say sixth, seventh floor, may konting ano, di ba, nararamdaman mo na.
"Ito, mas mararamdaman mo pa yung earthquake kung nasa labas ka. At least, yun yung explanation ng mga engineers.
"Magagaling din ang consultants na nanalo dun sa project."
Read: Enrique Gil reveals he almost quit showbiz after pandemic
