PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Mayor Vico Sotto plans to teach at a university in 2028

Mayor Vico Sotto wishes good health for dad Vic Sotto who's turning 72.
by Arniel C. Serato
Published 5 hours ago
Mayor Vico Sotto 2028 plans
Pasig City Mayor Vico Sotto on dad Vic Sotto's (not in photo) pronouncement about son being "next president" in the future: "Siyempre ang ama, bilib sa anak." Mayor Sotto is consistent in saying he has no plans on running for a higher position in the 2028 elections.
PHOTO/S: Arniel Serato

Pagtuturo ang aatupagin ni Mayor Vico Sotto ng Pasig City pagbaba niya sa puwesto sa pagsapit ng June 2028.

Nasa ikatlo at huling termino na ang alkalde sa Pasig, at wala itong balak na tumakbo sa mas mataas na puwesto.

Sa courtesy visit ng mga opisyales ng Multi-Media Press Society of the Philippines, Inc. (MMPRESS) noong Miyerkules, April 22, 2026, sa Temporary Pasig City Hall, game na nakipagkuwentuhan si Sotto.

Multi-Media Press Society of the Philippines, Inc. (MMPRESS) officials during their courtesy visit to Mayor Vico Sotto at his office in Pasig City last April 22, 2026.
Multi-Media Press Society of the Philippines, Inc. (MMPRESS) officials during their courtesy visit to Mayor Vico Sotto at his office in Pasig City last April 22, 2026.
Photo/s: Kate Adajar
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Una na rito ang mga plano niyang gawin kapag pribadong citizen na siya.

Ayon sa MMPress adviser at PEP Troika columnist na si Noel Ferrer, gusto ni Mayor Sotto na magturo sa Ateneo de Manila University pagkatapos ng kanyang termino.

Sa Ateneo nagtapos si Sotto ng Bachelor of Arts in Political Science noong 2011 at Master’s degree in Public Management noong 2018.

"Hindi ko alam kung kukunin nila ako," pabirong hirit niya tungkol sa kanyang Alma Mater.

"Marami akong plano sa buhay. Hindi lang naman yung pagtuturo. Pero, of course, marami din akong gusto din.

"Politics lang naman yung hindi ako tatakbo, di ba? So wala akong planong tumakbo or what, kahit ibang position."

Tila excited si Sotto na mag-explore ng ibang pagkakaabalahan.

"Seasons naman ang buhay, so marami akong gustong gawin din, na di ko magawa ngayon.

"As mayor kasi, ang batas kasi, sabi sa batas, pag mayor ka, yan lang ang puwede mong occupation.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Bawal kang magkaroon ng kahit anong ibang trabaho pag mayor ka. Ibang positions, puwede.

"Pag konsehal, puwede ng ibang trabaho kung gusto mo."

Ano ba ang gusto niyang unang gawin kapag wala na siya sa politics?

Aniya, "Gusto ko pa rin sana, well, yung pagtuturo, gusto ko talaga gawin yun.

"May mga iba pa, like, may mga gusto kong pag-aralan din, again limited yung oras ko ngayon.

"And advocacy work din. Without going into details muna, mapi-pre-empt, minsan pag masyadong ano, di natutuloy yun."

Mukhang gusto pa rin niya na magserbisyo kahit wala na sa posisyon.

"Oo, oo. Whether, I'm in government or outside government, talagang ano pa rin... hindi ako lalayo ng field."

Read: Mayor Vico Sotto highlights new PHP9-B city hall project

MAYOR VICO SOTTO ON PERSONAL LIFE'S PRESSURE

Saan siya napi-pressure: ang patuloy na panawagang tumakbo siya sa mas mataas na posisyon o ang pagkakaroon ng love life?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Hayaan niyo na yun," natatawang sabi ng alkalde.

"Hindi kasi ako madaling ma-pressure, e, sa kahit ano.

"So I think, given my position now na mayor ako, ganyan, for the most part, it works to my advantage kasi di ako nadadala ng iba—kung anong posisyon na ganyan o kailangan may ganito, kailangan ito yung gawin.

"Basta kung ano lang, yung tingin kong tama ang gusto ko, ganun. Hindi ako masyadong napi-pressure sa ganyan.

"Minsan natatawa, minsan naiinis, di ba, pero di ako masyadong [apektado]."

Sa tanong kung may bago na siyang cellphone, diretsong sagot niya, "Wala."

Pinagmulan ito ng malakas na halakhakan ng lahat. Hindi kasi lingid sa kaalaman ng press, at mga tagasuporta ni Sotto, ang tungkol sa cellphone niya na simple at basic lang ang features. Matagal na ito sa kanya at di pa niya pinapalitan.

Read: Frankie Pangilinan spotted with boyfriend Dan Laurel anew

ON DAD VIC SOTTO'S COMMENT

Sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) kay Vic Sotto noong June 2025, naitanong namin kung nakikita ba niyang tatakbo si Vico sa mas mataas na posisyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ayon dito, "E, it's up to him. Ang desisyon nasa kanya.

"Yung binitawan kong 'next president,' alam naman nating hindi siya puwede dahil underage," pagtukoy ni Vic sa kanyang 35-year-old son noong panahong iyon.

Paliwanag pa niya: "Pero, I have a deeper meaning nung sinabi ko yun, e.

"Ang gusto ko lang naman ipaalam, ipaabot sa mga nakikinig, 'next president' sana ay katulad niya.

"Na may prinsipyo, may paninindigan, may political will, na good governance talaga.

"Yung totoong good governance, hindi yung kuwentu-kuwentohan na good governance.

"Yun ang ibig ko sabihin nun. Sana yung next president natin, e, someone like him."

Read: Vic Sotto explains "next president" declaration about son Vico

Kuwento namin kay Mayor Vico, "Sabi ni Vic bagay ka daw na maging presidente sa mga susunod na taon."

"Siyempre ang ama, bilib sa anak," natatawang sagot ni Mayor Vico.

Samantala, ipagdiriwang ni Vic ang ika-72 na kaarawan nito sa darating na April 28.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ano ang wish niya para sa ama?

Aniya, "Siyempre, good health, una. Siguro, yun ang pinakaimportante. Na good health naman talaga siya. Parang mas nagkakasakit pa nga ako."

Dahil sa sobra niyang sipag, sabi ng press.

Sagot niya, "Hindi naman. Pero, siyempre masaya ako na maganda yung kalusugan ni Papa. Nasa 70s na siya, di ba?"

Read: Bea at Vincent, ikinasal na sa Maynila? Bea, hindi pa raw buntis

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Pasig City Mayor Vico Sotto on dad Vic Sotto's (not in photo) pronouncement about son being "next president" in the future: "Siyempre ang ama, bilib sa anak." Mayor Sotto is consistent in saying he has no plans on running for a higher position in the 2028 elections.
PHOTO/S: Arniel Serato
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results