Ikinatuwa ng maraming netizens at fans ni Angel Locsin ang pasilip ng stepson nitong si Joaquin Arce.
Si Joaquin ay anak ng mister ni Angel na si Neil Arce.
Sa kanyang Instagram Story kagabi, April 26, 2026, binati ni Joaquin ang stepmom niya na nagdiwang ng 41st birthday noong April 23, 2026.
Medyo na-late ng ilang araw ang pagbati ni Joaquin, pero malalim ang kahulugan ng maikling mensahe nito.
Aniya: "happy birthday GOAT x2 @therealangellocsin!”

Ang ibig sabihin ng "GOAT" ay "Greatest Of All Time."
Hindi tiyak kung bago ang larawang ipinost ni Joaquin o luma na.
Read: Mayor Vico Sotto plans to teach at a university in 2028
NETIZENS REACT TO JOAQUIN ARCE'S POST
Sa social media site na Reddit, maraming fans ang natuwa sa pasilip ni Joaquin tungkol sa kanyang stepmom na si Angel.
"Nakaka miss siya but I agree sa fans niya, deserve naman din niya mamuhay ng payapa away from the limelight," komento ng isang fan.

Hirit ng isnag netizen, "OMG!!! May proof of life na si Angel Locsin!!! Belated Happy Birthday!"

Ayon sa isa pa, "As a Millenial trentahin, kahit mata lang pinakita KINILIG AKO KAY ANGEL BIGLA HAHAHAHAHAHAAHAHAH"

Obserbasyon ng isa, "Mukhang retired na nga talaga si ante."

Read: Bea Alonzo at Vincent Co, ikinasal na sa Maynila?
JOAQUIN ON ANGEL
Labis-labis ang respeto ni Joaquin sa asawa ng kanyang ama na si Nel Arce.
Nang naging housemate si Joaquin sa PBB: Celebrity Collab Edition 2.0, si Angel ang isa sa tagapagtanggol niya.
At sa thanksgiving ni Joaquin matapos niyang hiranging PBB: Celebrity Collab Edition 2.0 Kapamilya 3rd Big Placer, hindi matapus-tapos ang pasasalamat ng newbie actor kay Angel.
Sabi niya, "Oo, nakita ko talaga. As in, ipinatanggol ako ni Darna, di ba?"
Binansagang "Darna" si Angel nang gampanan niya ang komiks superheroine para sa GMA-7 telefantasya na Darna noong 2005.
Pagpapatuloy ni Joaquin: "So it's not, it's not a lie na she, like, went out of her hiatus just to support me. At talagang nagpapasalamat ako sa kanya.
"I really couldn't have done it without her. Seeing lahat ng mga ginawa niya para sa akin, di ba?
"At ayun, I'm really grateful to her."
Read: Joaquin Arce grateful to stepmom Angel Locsin for defending him
