"The hard launch we are all waiting for!"
Ito ang naging reaksiyon ng maraming KaiNiel fans matapos i-post ni Kaila Estrada ang litrato nila ng rumored boyfriend na si Daniel Padilla sa kanyang Instagram Stories.
Nitong Martes ng gabi, April 28, 2026, ibinahagi ni Kaila ang blurred photo nila ni Daniel habang magkayakap.
Kuha ang nasabing larawan sa selebrasyon ng ika-31 kaarawan ng aktor noong April 26.
Read: Daniel Padilla spotted at Kaila Estrada's birthday bash
Nagpadagdag pa sa kilig ng kanilang fans ang music background na inilapat ni Kaila sa litrato—ang kantang "Everything Hallelujah" ni Justin Bieber.
Kanta ito ng pasasalamat at pagpupuri sa biyaya ng pag-ibig at pamilya na inialay ni Justin para sa kanyang maybahay na si Hailey Bieber at anak nilang si Jack.

KAILA'S OLD TWEET ABOUT DANIEL RESURFACES
Kasunod ng umano’y pagha-hard launch ni Kaila sa espesyal nilang relasyon ni Daniel ay ang pag-viral ng lumang tweet niya tungkol sa aktor.
Kumakalat ngayon online ang screenshot ng tweet ni Kaila noong April 27, 2012, kung saan nilinaw niyang hindi niya personal na kilala at wala siyang anumang koneksiyon kay Daniel.
Ito ay sa kabila ng magkapareho nilang apelyido ng ina ni Daniel na si Karla Estrada.
Read: Karla Estrada reacts to Daniel-Kaila rumored relationship
Kasalukuyang naka-deactivate ang X account ni Kaila, ngunit marami sa kanyang fans ang nakapag-screenshot ng lumang tweet niyang ito.
Mababasa sa nasabing post ng aktres (published as is), "Guys just to make it clear I'm not related to Daniel Padilla and I don't know him personally. Thanks."
Si Kaila ay anak ng mga artista ring sina Janice de Belen at John Estrada.

Dahil dito, may ilang netizens ang naniniwalang may rason ang pagkakakilala ng dalawa.
Tweet ng isang netizen: "She tweeted this on April 27, 2012, when they hadn’t met each other yet. Then, on April 28, 2026, she posted a photo of them as boyfriend and girlfriend on her Instagram Stories. Di ba parang meant to be?"
Saad pa ng isa: "Imagine, 14 years ago, they were complete strangers, and now they are in a relationship. Kaila and Daniel didn’t cross paths for nothing."
KAILA WITH DANIEL'S FAMILY
Samantala, bukod kay Daniel, kapansin-pansin din ang pagiging malapit at komportable ni Kaila sa pamilya ng kanyang rumored boyfriend.
Sa nasabing birthday party kasi ni Daniel, makikita ang mga larawan at videos ni Kaila katabi ang mga kapatid ng aktor na sina JC Padilla, Magui at Carmella Ford.
Read: Kaila Estrada joins Daniel Padilla’s family at his birthday bash
Mayroon pang larawang kuha si Kaila kasama ang ina ni Daniel na si Karla at ama ng aktor na si Rommel Padilla.

Habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang direktang kumpirmasyon sina Daniel at Kaila sa kanilang relasyon.
Ito'y sa kabila ng pasimpleng pagkumpirma ni Lella Foed sa relasyon ng dalawa, nang sabihin nito sa isang panayam na masaya at nagpapasalamat siya kay Kaila dahil sa kaligayahang hatid nito sa kanyang kuya na si Daniel.
Read: Lella Ford grateful to Kaila Estrada for making Daniel "happy"
