PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Daniel Padilla spotted at Kaila Estrada's birthday bash

Kaila Estrada turned 30 on March 16, 2026.
by Khryzztine Joy Baylon
Published Mar 17, 2026
Daniel Padilla spotted at Kaila Estrada's birthday bash
Daniel Padilla becomes the talk of the town after singing and handing Kaila Estrada flowers during her 30th birthday party.
PHOTO/S: @alexdequatro on Instagram

Kinakiligan ng maraming netizens ang mga litrato at video ng Kapamilya actor na si Daniel Padilla sa birthday celebration ng rumored girlfriend niyang si Kaila Estrada.

Ipinagdiwang ni Kaila ang kanyang ika-30 kaarawan kahapon, Lunes, March 16, 2026.

Read: Kaila Estrada's beauty lesson: "Comparison is a thief of joy."

Sa kumakalat na video online, kuha ng ilang kaibigan at guests ni Kaila, makikita si Daniel na nasa entablado at kumakanta ng “Creep” ng Radiohead.

Biglang naghiyawan ang mga manonood nang may ituro si Daniel habang binabanggit ang lyrics na kanta na, "In a beautiful world I wish I was special. You’re so fuck*n’ special.”

Daniel Padilla spotted at Kaila Estrada's birthday bash
Photo/s: Screengrab on TikTok
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi tiyak kung sino ang kanyang itinuro dahil hindi ito nakita sa video, ngunit ayon sa netizens, hindi malayong si Kaila ito.

Bukod sa pagkanta, nakunan din ng video si Daniel na nag-abot ng bouquet of flowers kay Kaila matapos nitong i-blow ang candle sa kanyang birthday cake.

Ang mga tagpong ito ay nagdulot ng kilig sa mga tagahanga nina Daniel at Kaila.

Read: Daniel Padilla, Kaila Estrada spotted together in Palawan

Komento ng isang netizen, “Nag-mature talaga si Daniel simula naging sila ni Kaila.”

Saad pa ng isa, "Grabe talaga yung chemistry nila."

"Halata namang in love at happy sila sa isa't isa. Hayaan na natin sila," dagdag pa ng isa.

Daniel’s Siblings Join Kaila’s PARTY

Bukod kay Daniel, spotted din sa birthday celebration ni Kaila ang kapatid ng aktor na si JC Padilla at ang asawa nitong si Thalia Valdivia.

Daniel Padilla spotted at Kaila Estrada's birthday bash
JC Padilla.
Photo/s: Screengrab on Instagram
CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Naroon din ang pinsan ni Daniel na si Analain Salvador.

Pinaghihinalaan ding present sa party ang dalawa pang kapatid ni Daniel na sina Magui at Lella Ford, batay sa ini-upload na video sa TikTok ni Analain.

Read: Daniel Padilla shows outreach activity with Kaila Estrada

Sa nasabing video, makikitang tila nag-a-outfit check ang tatlo sa loob ng isang comfort room.

Daniel Padilla spotted at Kaila Estrada's birthday bash
Analain Salvador. Magui, and Lella Ford (left to right).
Photo/s: Screengrab Analain Salvador on TikTok
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Samantala, hanggang ngayon ay wala pang kumpirmasyon sa napapabalitang relasyon nina Daniel at Kaila.

Sa panayam ni MJ Felipe ng ABS-CBN News kay Daniel noong October 14, 2025, tinanong ang aktor kung may katotohanan ba ang lumalabas na espekulasyong si Kaila ang bago niyang nobya.

Ngunit imbes na sagutin ni Daniel, sinabi nitong hayaan na lang at antayin ang mga mangyayari.

Saad niya: "Huwag na nating i-pressure yung sarili natin, huwag na nating ilagay sa ganun, i-showbiz pa yun, pero you get my point?

"Lalabas at lalabas, pero ayoko lang na may naghihintay na, alam mo yun, hintayin ng tao.

"Hayaan na nating mangyari ang mga mangyayari."

Pakiusap pa ni Daniel sa mga patuloy na umiintriga sa closeness nila ni Kaila: "Huwag niyo na muna kaming kulitin, just let it be. Hayaan na lang nating mangyari ang mga bagay.

"And again, ayoko siyang maging showbiz, e. Well, di pa rin naman maiiwasan, di ba, pero may choice pa rin naman ako, di ba?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Karla Estrada reacts to Daniel-Kaila rumored relationship

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Daniel Padilla becomes the talk of the town after singing and handing Kaila Estrada flowers during her 30th birthday party.
PHOTO/S: @alexdequatro on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results