Isa-isa nang tinutukoy ni Ronnie Alonte ang mga nasa likod ng pagkalat ng impormasyon tungkol sa kasal at pagbubuntis ng asawa niyang si Loisa Andalio, sa kabila ng pagkakaroon ng NDA o non-disclosure agreement.
Sa panayam ni Ronnie sa YouTube vlog na Think Talk Tea noong April 23, 2026, ibinunyag ng aktor kung paano nila sikretong pinaghandaan ni Loisa ang kanilang kasal, bago pa nila malamang nagdadalantao na pala ang aktres.
Ang wala raw talaga sa plano ay ang biglaang pagpu-propose ni Ronnie kay Loisa, ilang linggo na lang bago ang kanilang kasal.
Pahayag ng aktor: "Nakaplano na yung kasal noong nalaman namin na four months na pala na may baby na sa loob.
"Ang wala sa plano namin is yung proposal, biglaan yung proposal.
"Sabi ko, ‘Parang may kulang, e. Parang mababawasan yung pagkababae ni Loisa kapag kasal agad tayo. Parang wala akong respeto.’"
Dagdag pa niya, "Parang three weeks ata yung kasal namin bago ko naisip na kailangan kong mag-propose."
Noong November 21, 2025, ibinahagi ni Loisa sa Instagram ang kanilang engagement.

Read: Loisa Andalio, Ronnie Alonte are now engaged
Samantala, noong November 27, 2025—kasabay ng ika-siyam na anibersaryo nila bilang magkasintahan—ikinasal ang dalawa.

Read: Loisa Andalio and Ronnie Alonte are now married
Mismong si Ronnie ang nag-upload ng ilang larawan nila ni Loisa sa Instagram mula sa naganap nilang pag-iisang dibdib.
Read: Loisa Andalio pens heartfelt note after wedding to Ronnie Alonte
Ronnie expresses disappointment over NDA breach at wedding
Alam daw ni Ronnie na marami ang nagulat sa tila mabilis nilang pagpapakasal ni Loisa, mula nang ianunsiyo nila ni Loisa online ang kanilang engagement.
Ngunit ayon sa aktor, wala talaga sa plano nilang isapubliko agad ang kanilang kasal nang araw na iyon.
Read: Ronnie Alonte reacts to resurfaced comment of Loisa from 2018
Nagkataon lamang umano na may nag-leak na video sa TikTok mula sa isang taong kanilang pinagkatiwalaan na dumalo sa kasal.
Ito raw ang dahilan kung bakit nagpasya silang ilabas na rin ang balita tungkol sa kanilang pagpapakasal.
Ani Ronnie: "Hindi talaga namin dapat ilalabas yung wedding kaso may nauna lang.
"Yung parang tauhan nung nagpa-fireworks noong wedding namin, siya yung nag-video tapos na-post na niya sa TikTok, lumabas na, kaya napa-post na ako agad."
Read: Loisa Andalio apologizes for "solo travel" remark
Hindi rin daw inasahan ni Ronnie ang insidente dahil lahat ng taong sangkot sa kanilang kasal ay nakapirma ng NDA.
Sabi niya: "Ewan ko kung anong nangyari. Lahat may NDA.
"Lumabas yung wedding namin, lumabas yung pregnancy niya, lahat yun may NDA."
Dahil sa matinding pagkadismaya, agad na gumawa ng hakbang sina Ronnie at Loisa upang matukoy ang mga lumabag sa kasunduan.
Pabubunyag ni Ronnie: "May kaso na nga yung iba, ongoing na yung isang kaso.
"Kasi November 26 kami ikinasal, sa December pa dapat [namin] ilalabas.
"Kaso lumabas na siya ng November 27 ng tanghali nung nag-video, kaya ako, sabi ko, 'Mag-post na ako.'
"Ang nangyari tuloy, yung December 25 ng hatinggabi, ayun yung announcement namin na buntis si Loisa."
March 12, 2026, isinilang ni Loisa ang una nilang supling ni Ronnie na pinangalanan nilang Runi Lior.
Read: Loisa Andalio, Ronnie Alonte welcome baby Runi "Nili" Lior
