Patuloy ang pagpapakilig nina Daniel Padilla at Kaila Estrada sa kanilang followers matapos unti-unting lumabas online ang mga sweet na larawan at video ng dalawa mula sa birthday celebration ng aktor.
Noong April 26, 2026, ipinagdiwang ni Daniel ang kanyang 31st birthday.
Mula sa mga simpleng group photo kasama ang pamilya at mga kaibigan ni Daniel, usap-usapan din ngayon online ang isang video ng dalawa habang sumasayaw.
Read: Kaila Estrada joins Daniel Padilla’s family at his birthday bash
Sa nasabing video, makikitang magkaharap sina Daniel at Kaila habang sinasabayan ang upbeat na tugtugin.
Nag-uusap din sila sa video.
Bagamat walang maririnig na audio tungkol sa kanilang pinag-uusapan, ayon sa fans, tila tinanong umano ni Kaila si Daniel ng "Are you having fun?"

Ayon pa sa interpretasyon ng netizens, base sa galaw ng mga labi ng dalawa, sumagot umano ang aktor ng "Yes.”
Matapos sumagot ni Daniel, inilapit niya ang kanyang mukha sa pisngi ni Kaila at hinalikan ito, habang mahigpit naman siyang niyakap ng aktres.

Nang magkabitaw sila, muling nagsalita si Kaila na, ayon sa interpretasyon ng netizens, batay sa galaw ng mga labi ng aktres, ay sinabihan nito si Daniel ng “I love you.”

Kaila hard launches PHOTO WITH Daniel
Samantala, bago pa lumabas ang nasabing video, nauna nang kinilig ang KaiNiel fans matapos i-hard launch ng aktres ang larawan nila ni Daniel.
Noong Martes ng gabi, April 28, ibinahagi ni Kaila ang blurred photo nila ni Daniel habang magkayakap, na kuha rin sa nasabing birthday celebration.

Nagpadagdag pa sa kilig ng kanilang fans ang music background na inilapat ni Kaila sa litrato—ang kantang "Everything Hallelujah" ni Justin Bieber.
Kanta ito ng pasasalamat at pagpupuri sa biyaya ng pag-ibig at pamilya na inialay ni Justin para sa kanyang maybahay na si Hailey Bieber at anak nilang si Jack.
Read: Kaila's 2012 tweet about Daniel resurfaces after hard launch
Habang isinusulat ang artikulong ito ay wala pang direktang kumpirmasyon sina Daniel at Kaila sa kanilang relasyon.
Ito'y sa kabila ng pasimpleng pagkumpirma ni Lella Ford sa relasyon ng dalawa, nang sabihin nito sa isang panayam na masaya at nagpapasalamat siya kay Kaila dahil sa kaligayahang hatid nito sa kanyang kuya na si Daniel.
Read: Lella Ford grateful to Kaila Estrada for making Daniel "happy"
