Tila hindi lang si Kathryn Bernardo ang malapit ngayon kay Lucena City Mayor Mark Alcala kundi maging ang fur baby ng aktres na si Snowy.
Hindi nakaligtas sa matalas na paningin ng netizens ang Instagram Stories ni Mark Miyerules, nitong April 29, 2026, kung saan ibinahagi niya ang larawan habang nasa loob ng isang establisyemento.
Nakangiti ang alklade habang hawak ang tali ni Snowy.

Si Snowy ay isang white Bichon Frise na matagal nang alaga ni Kathryn, matapos itong iregalo sa kanya ng dating nobyo na si Daniel Padilla noong 2015.
Read: Did Kaila Estrada say “I love you” to Daniel Padilla?
Netizens believe Mark was with Kathryn during his photo with Snowy
Kutob ng maraming netizens, kasama ni Mark si Kathryn nang kunan ang larawan niya kasama si Snowy.
Late upload din daw ito, dahil kuha pa ang nasabing larawan noong April 26, nang maispatan ang alkalde at aktres na magkasama sa isang Sunday market.
Read: Kathryn Bernardo spotted with Mark Alcala at a Sunday market
Parehong-pareho kasi ang damit at sumbrerong suot ni Mark noong nakunan sila ng litrato ni Kathryn at ng picture niya kasama si Snowy.

IS Mark’s post a response to Kaila Estrada’s “hard launch” with Daniel Padilla?
Dahil sa biglaang pagpu-post ni Mark, na-curious ang ilang netizens kung ito raw ba ang sagot ng alkalde sa pagha-hard launch ni Kaila Estrada sa relasyon nila ni Daniel.
Noong Martes ng gabi, April 28, ibinahagi ni Kaila ang blurred photo nila ni Daniel habang magkayakap. Kuha iyon sa birthday celebration ng aktor noong April 26, kunsaan din lumabas sina Kathyrn at Mark.
Komento tuloy ng isang netizen, "Ako lang ba nakapansin, halos magkasunod lang silang nagpost ni Kaila."
Saad pa ng isa, "Palupitan ng pag-hard launch ah."
"May entry din si Mayor," dagdag pa ng isa.
KATHRYN AND MARK PREVIOUS SIGHTINGS
Samantala, hindi ito ang unang beses na maispatan sina Kathryn at Mark na magkasama, dahilan para mas lumakas ang matagal nang usap-usapan mayroong espesyal na namamagitan sa kanila.
Noong Semana Santa ay magkasamang nagbakasyon sina Kathryn at Mark sa Thailand at Bhutan.
Read: Kathryn Bernardo at Mark Alcala, nag-"soft launch" sa Thailand?
Nakunan sila habang pababa ng escalator sa EmSphere Mall sa Bangkok, Thailand, base sa mga litrato na kumalat online noong Biyernes Santo, April 3, 2026.
Read: Kathryn Bernardo at Mark Alcala, naispatan na naman sa airport?
Ayon sa Cabinet Files, naiulat na noong panahong iyon ay nagtungo rin ang dalawa sa Bhutan, at naging point of entry nila ang Thailand.
April 14 nang mag-post si Kathryn ng hiking photos niya sa Bhutan, pero hindi niya isinama sa post ang alkalde.
Read: Kathryn Bernardo revisits Bhutan 14 years after Princess and I
Noong early March, kumalat din ang video nila na namimili sa isang mall, pero nakasuot pa noon ng eyeglasses at facemask si Kathryn.
Read: Kathryn Bernardo, Mayor Mark Alcala spotted sa Power Plant Mall
Hanggang sa kasalukuyan ay wala pang opisyal na kumpirmasyon sina Kathryn at Mark tungkol sa kanilang relasyon.
