Mukhang walang hiwalayang naganap sa pagitan ni former Pinoy Big Brother housemate Lie Reposposa at ng British fiancé niyang si Paul Joshua Marsden.
Noong May 1, 2026 ay may nakakalitong post si Paul sa Facebook.
Nakasaad dito: "april ended, we didn’t"
Tanong ng netizens, ibig bang sabihin nito ay hindi talaga sila naghiwalay ni Lie? Prank lang ba ang hinihinalang breakup nila for engagement?
Matatandaang noong April 28, 2026, inanunsiyo ni Paul sa kanyang Facebook na tinapos na nila ni Lie ang kanilang relasyon.
Kahit naging sandigan daw niya si Lie sa loob ng halos tatlong taon nilang pagsasama, lahat ay may katapusan.
Buong post ni Paul: "Thank you for being my peace and my safe place.
"You helped me stand up when I was down.
"But every story has an ending, and ours ends here.
"Thank you for the memories, they will stay forever."
Read: Lie Reposposa and fiancé Paul Joshua Marsden break up
Ipinagtaka rin ng karamihan na parang walang nangyari sa dalawa dahil kinabukasan, April 29, binati ni Lie si Paul sa ika-23 kaarawan.
Maiksi niyang mensahe: "Happy Birthday to you. Have a special day."
Read: Netizens react to Lie Reposposa's birthday greeting to ex-fiancé
Netizens react to Lie-Paul "non-breakup breakup"
Iba-iba naman ang reaksiyon ng netizens sa bagong post ni Paul.
Sabi ng isa: "Cguro ibig sabihin End na yung April din we didn't, sila hindi nag end sila parin."

Dagdag ng isa: "April lang Pala Ang Nagtapos, Tapos Cla Hindi Pa!! Ganernnn Well congrats Stay strong, Bagay na Bagay kayo Ehh"

Ayon sa isa, umiyak daw ang sister niya dahil sa balitang hiwalayan nina Lie at Paul.
Sabi nito: "Damn bro, rumors spread so fast, my sister even cried when she saw the post on fb, like dangggg! for real? she cries like a baby, and now she's laughing."

Dagdag ng isa: "Hayuffffff!!! Akala ko nag break na talaga kayu, na sad panaman ako ng a little bit pero GOODNESS GRACIOUS ITS A PRANKK hahahaha. Anyways stay strong couple"

Pang-engagement lang naman daw yun sabi ng isa pa.
Saad nito, "Pangpa dmi lng yon ng reactors ang comments shares dba... Content ngane"

Ang bago namang post ni Lie ay sweet pictures nila ni Paul noon ding May 1, kung saan ang isa rito ay nakakandong siya sa nobyo at pareho silang naka-"peace" sign.

Read: Angel Galang apologizes to Marina Summers over "chaka host" post
