Nagpasaringan ang aktres na si Inah de Belen at ang content creator-entrepreneur na si Rosmar Tan Pamulaklakin sa social media.
Nagsimula ito nang sumagot si Inah sa mga komento ng isang netizen na nagsabing kahawig niya si Rosmar, base sa ibinahaging larawan ng aktres sa Facebook kasama ang nobyong si Jhake Vargas noong May 2, 2026.
Kuha ang mga larawan nang makilahok sina Inah at Jhake sa Flores de Maria 2026 sa Maysantol, Bulacan.
Buong komento ng netizen (published as is): "Sorry po ha,, nagtataka ako bkt nanjan si jake vargaz,, akala ko talaga si rosmar kung dko nbasa pangalan nag 2 tingin pa ako ang mag jowa pala talaga,,ang ganda mo pati ng damit mo"
Sagot dito ni Inah: "guys sino ba si rosmar hindi ko siya kilala"

Kalaunan ay muling nagkomento si Inah upang ipaalam na "naresearch" na niya kung sino si Rosmar, at nakiusap sa netizens na huwag idikit ang kanyang pangalan dito.
Tila may pandidiri ang tono ng post in Inah.
Sabi ng panganay na anak nina Janice de Belen at John Estrada: "Naresearch ko na siya plssss don't associate me with her ew"

Pero makalipas ang ilang sandali ay binura ni Inah ang huli niyang komento..
Marami pang netizens ang nagkomentong akala raw talaga nila ay si Rosmar ang nagsagala.
Sagot ni Inah sa mga ito: "sino ba yon."


May isang netizen ang nagpadala ng larawan ni Rosmar sa kanya.
Reaksiyon dito ni Inah: "parang ang layo ko naman sa kanya."

Read: Cita Astals regrets telling public about mental health disorder
ROSMAR TAN CLAPS BACK AT INAH DE BELEN: "Attitude si ante"
Mabilis namang nakarating kay Rosmar ang mga komento ni Inah tungkol sa kanya.
Hindi ito nagpatumpik-tumpik at sumagot kaagad sa pamamagitan ng Facebook kahapon, May 3.
Buwelta ni Rosmar kay Inah: "Kung maka 'ew' ka naman sakin at di nya daw ako kilala.
"Nahiya naman ako sayo filipina actress nakalagay pero di din naman kita kilala.
"Mas maraming beses pa ata ako lumabas sa tv kesa sayo ante. Kung maka ew wagas inaano ka?"
Sa comments section ng kanyang post, binalika ni Rosmar ang sinabi ni Inah na nag-research siya kung sino ang tinutukoy na content creator ng netizens.
Pasaring niya: "Napa search tuloy ako di ko rin sya kilala pero filipina actress nakalagay HAHAHA mas maraming times pa ata ako napanuod sa tv kesa sakanya."

Dagdag pa niya, "Attitude si ante mas ew ka HAHAHA"

Sa kasunod na post ni Rosmar, sinabi nitong naiinis siya dahil hindi naman sila magkakilala ni Inah kung kaya't bakit kinakanti siya nito.
Tinawag pa niyang "starlet" si Inah.
Buong post ni Rosmar: "Kung maka ew ka naman sakin. Mas mukha ka pa ngang mom of 3 sakin. At kung makasabi ka ng di mo ako kilala? Mas di kita kilala san ka lumabas?
"Hiyang hiya naman sayo ang 30M total foll0wers ko. Kala ko di mo ko kilala? Pero sasabihan mo ako ng ew at nakaka bwisit?
"Okay lang sana na di mo ako kilala pero anong ginawa ko sayo? Para sabihan mo ako ng EW?
"Starlet na di pa nga sikat attitude na agad. Pwe!"
Hindi na sumagot si Inah sa mga puna ng followers niya.
