PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Vlogger Rosmar Tan withdraws Manila councilor bid

Rosmar Tan: "Wala talaga sa puso ko ang pamumulitika..."
by Khryzztine Joy Baylon
Published Jan 30, 2025
Rosmar Tan withdraws Manila councilor bid
Rosmar Tan on decision to withdraw her candidacy for councilor in Manila's first district: "Marami nag advice sakin na wag na kasi marumi daw ang pulitika. Habang tumatagal lalo ako namumulat sa Pulitika at para sa akin hindi maganda."
PHOTO/S: Rosemarie Tan Pamulaklakin on Facebook

Opisyal nang umatras ang vlogger at businesswoman na si Rosmar Tan Pamulaklakin sa pagtakbo bilang konsehal sa unang distrito ng lungsod ng Maynila.

Ngayong Huwebes, January 30, 2025, inanunsiyo ni Rosmar ang pagpunta niya sa tanggapan ng Comelec (Commission on Elections) sa Maynila para iatras ang kanyang kandidatura.

Sa unang araw ng filing ng COC (Certificate of Candidacy) noong October 1, 2024, nang maghain ng kandidatura si Rosmar.

rosmar tan filing of coc
Photo/s: Rosmar Tan Pamulaklakin
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Marco Gumabao, Enzo Pineda, Ion Perez tatakbo sa 2025 elections

Bagamat umatras sa pagtakbo bilang konsehal, mananatili raw si Rosmar sa pagtulong—may posisyon man siya o wala.

Mababasa sa post ng vlogger (published as is), "Yes totoo ang chismis otw na po ako sa Comelec."

"Para sa ikatatamihik ng lahat mag wiwithdraw na po ako sa pagtakbo pero tuloy pa rin ang pagtulong sa mga tao."

Read: Beauty queens Shamcey Supsup and Michele Gumabao, blogger Mocha Uson file COCs as party-list reps

ROSMAR REVEALS REASON FOR withdraWING from 2025 polls

Sa sumunod na post sa Facebook ni Rosmar ay inihayag niya ang dahilan kung bakit nagdesisyon siyang umatras.

Kalakip nito ang litrato niya hawak-hawak ang statement of withdrawal na galing sa Comelec.

Rosmar Tan withdraws Manila councilor bid
Photo/s: Rosemarie Tan Pamulaklakin on Facebook
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Vice Ganda denies hand in Ion Perez’s withdrawal of candidacy

Aniya, noon pa man ay wala siyang planong pasukin ang pulitika kung hindi lamang sa pag-uudyok ng ilan sa kanyang mga kaibigan at kakilala.

Sinabi raw ng mga ito na mas marami siyang matutulungan kung siya ay nasa posisyon at kapangyarihan.

Mababasa sa caption ng post ni Rosmar (published as is): "It's Official. Wala talaga sa puso ko ang pamumulitika kaya ako tumakbo bilang independente dahil na engganyo ako ng mga nagpatakbo sakin na “MAS MARAMI DAW AKONG BUDGET SA PAGTULONG KAPAG NAKAPOSISYON AKO."

"Sa totoo lang lahat ng partido na tatakbo sa pagka MAYOR sa Manila ay kinukuha akong under sa kanila. Pero never ako nag OO sa kahit anong partido. Mas nanaig sakin ung gusto ko mag isa lang ako.

"Kaya ako napa-OO dahil akala ko mas marami akong matutulungan. Marami nag advice sakin na wag na kasi marumi daw ang pulitika. Habang tumatagal lalo ako namumulat sa Pulitika at para sa akin hindi maganda.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Pero as time goes by naisip ko na di ako masaya mangampanya lalo na nung time na bawal na mamigay ng paayuda at pera sa mga taong nangangailangan kasi considered vote buyiiiing na daw un.

"Ang hirap sa pakiramdam na may lalapit sakin at hihingi ng tulong pero bawal kong bigyan dahil baka daw ako mapicturan. Bawal daw. Na aabsorb ko ang pain na dala dala nila.

"Masyado na napasukan ng pulitika ang pag tulong ko sa mga tao na sinimulan ko nung ako’y bata pa. Ilan beses din ako hinusgahan na kaya lang pala ako tumutulong dahil may balak daw ako tumakbo."

Read: Rosmar Tan explains "P13M a day" income, 30 properties

Habang tumatagal ay napagtanto raw ni Rosmar na hindi basehan ang posiyon sa pagtulong sa kapwa kaya nagdesisyon siyang iurong ang kanyang kandidatura.

Saad niya (published as is): "Marami akong natutunan sa pag file ko. Hindi porket alam mong kaya mo ay kailangan mo ng tumakbo. Mas masarap pa rin sa pakiramdam tumulong ng galing sa puso. Pag tulong na walang kapalit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Masarap tumulong ng walang hinihingin kapalit sa mga tao. Ganun siguro talaga kapag bukal sa puso mo ang pagtulong sa mga tao.

"Ayoko rin ma pirmi sa iisang lugar kasi kung saan may nangangailangan ng tulong ko dun ako pupunta at magbibigay ng tulong sa mga tao."

Dagdag pa niya (published as is), "Hindi man matuloy ang pagtakbo ko pangako ko sa mga taong nangangailangan. Pag takbo ko lang ang ititigil ko pero hindi ang pag tulong sa mga tao.

"Minsan na akong nasa-id sa pagtulong sa mga tao panahon ng pandemya. At wala akong pinagsisisihan kasi si Lord ang nagbalik sakin ng biyaya sobra sobra pa. Ganun talaga siguro kapag bukal sa puso mo ang pag tulong sa mga tao."

Read: Rosmar, Rendon declared persona non grata in Palawan

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Rosmar Tan on decision to withdraw her candidacy for councilor in Manila's first district: "Marami nag advice sakin na wag na kasi marumi daw ang pulitika. Habang tumatagal lalo ako namumulat sa Pulitika at para sa akin hindi maganda."
PHOTO/S: Rosemarie Tan Pamulaklakin on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results