Nagpahayag ng kanyang saloobin ang Kapuso actor na si Gil Cuerva kaugnay ng kinasangkutang sex-video scandal.
Si Gil ay kabilang sa mga artistang lalaki na naging laman ng headlines kamakailan matapos masangkot sa video scandal.
Naglabas ng official statement si Gil noong Marso para kondenahin ang lihim na pag-video sa kanya habang nangyayari ang “private moment” nila ng isang babae.
Sinabi niyang iyon ang una at huling pagkakataong magsasalita siya ukol sa kontrobersiya.
Subalit sa May 1, 2026 episode ng podcast na TRGGRD!, nagsalita muli si Gil ukol dito.
Read: Who is Gil Cuerva?
GIL CUERVA SPEAKS UP
Hindi partikular na binanggit ni Gil ang kontrobersiya, subalit malinaw na ang kinasangkutang video scandal ang kanyang tinutukoy.
Sumang-ayon si Gil nang sabihin ng podcast co-host na si Vince Maristela na mas mabilis ang pag-cancel sa mga lalaki ngayon kumpara sa mga babae.
Ang “cancel culture” ay ang pagbawi ng suporta ng publiko sa isang personalidad kapag may ginawa itong sa tingin ng marami ay masama o hindi katanggap-tanggap.
“I wholeheartedly agree, man,” mabilis na sabi ni Gil.
“Kahit nobody knows the full story… but again, it goes back na, maybe because meron tayong poor track record. May mga cases of girls sharing bad experiences nila kaya may ganun tayong rep[utation].”
Nais tumbukin ni Gil na ikinalulungkot niya ang double standard ng lipunan pagdating sa mga lalaki.
“There are certain cases na hindi naman kasalanan ng lalaki, but because people like to assume agad, you’re painted in a bad light,” himutok niya.
Giit ni Gil, “Guys are easily cancelled today without knowing the full story.”
Nagkomento naman ang isa pang host na si Sean Lucas na sa tingin niya ay mas tumatagal ang pagka-cancel sa mga babae.
Kinontra ito ni Gil.
Paliwanag niya: “There are some cases na… I don’t wanna go into specifics… pero I just feel like I wouldn’t say na mas matagal ma-cancel [ang babae], not unless valid yung reason kaya naka-cancel…
“Pero we’re talking about naka-cancel [pagdating sa] tagal, I think same lang din naman.”
Read: Nico Locco, tukoy na ang babaeng kasama niya sa video scandal
GIL ON DOUBLE STANDARD on MEN
Inusisa si Gil kung sa tingin ba niya ay mas naagrabyado siya—pati na rin mga kapwa niya biktima sa scandal—kesa doon sa babaeng involved matapos kumalat ang video sa social media.
Sabi ng aktor, batay sa reaksiyon ng netizens, sila pa rin ang sinisisi sa pangyayari bagamat sila ang biktima.
Saad ni Gil: “I mean, obviously mga victim kami… the way I think of it, people obviously like to… if you read the comments, people… they’re not treating it like a serious thing.
“In fact, may mga fellow victims na they had the courage and bravery to talk about yung experience nila.
"That’s something I won’t do. I just posted once and yun na yon.
“But if you look at it, yung reaction ng mga tao, parang may victim-blaming pa din, e, because we’re guys.
“Parang, ‘O, ginusto mo naman yan.’ Parang, ‘Di ka kasi nag-ingat.’”
Sundot niya, “But, sorry ah, not to bring up the double standard thing and the whole reversal of roles, but I don’t think ganyan ang magiging reaction kung nangyari sa babae.”

Sa sumunod niyang pahayag, nais tumbukin ni Gil na nahusgahan pa siya dahil sa isyu.
“Dun lang ako parang naba-bother because I don’t wanna explain how traumatic the whole experience was for me, and I had to deal with it.
“And siyempre, for people to just treat it was like nothing, and to make light of it, parang you guys don’t know what I had to go through.”
Mas pinili raw ni Gil na i-handle ang karanasan “with grace and dignity” at “just move on with my life.”
Muling pagbibigay-diin ni Gil: “I just feel like if the roles are reversed, it wouldn’t be this reaction.
“Because lalaki kami and marami kaming nabiktima, people tend to make light of it, of a very serious situation...”
Sinang-ayunan ito ng guest co-host na si Haley Dizon na sinabing kung sa babae iyon nangyari, maaaring kasunod nito ay imbestigasyon sa Senado, reklamong anti-Violence Against Women and Children at harassment.
Sumang-ayon sila na sa lipunan, hindi karaniwang nangyayari na lalaki ang nagiging biktima.
Kaya naman suportado ni Gil ang kapwa niya mga biktimang nagsalita at humiling ng imbestigasyon.
Giit niya, hindi lang babae ang maaaring mabiktima sa ganitong pagkakataon, kundi maging ang lalaki tulad ng nangyari sa kanila.
Read: Ron Angeles spills details about viral video scandal
GIL CONDEMNS VICTIM-BLAMING
Nagkaroon pa ng strong reaction si Gil nang mabanggit ang paninisi tulad ng “Bakit wala kang ginawa?”
“Yun, victim blaming… 'Cause I kind of made peace with the whole thing already, but if there’s anything that kinda bothers me a little pa rin, yung the whole victim-blaming,” pahayag niya.
Nakita raw ni Gil ang reaksiyon ng mga tao matapos magsalita ng mga kapwa niya biktima. Sila pa rin daw ang sinisisi sa nangyari sa kanila.
“Ako, I didn’t go on any interview or anything, pero the others they did.
“Pag nakikita mo kasi yung mga sinasabi ng mga tao, parang, 'back at you.'
“Parang whatever they said, it’s used against them.
"So, yun lang. Instead of sympathy or whatever, nabi-victim-blame pa rin. Yun lang, that sucks."
GIL CUERVA’S SILVER LINING
Kung mayroon man daw mabuting maidudulot ang naranasan niya, sinabi ni Gil na magsilbi sana itong aral sa iba upang hindi ito mangyari sa kanila.
Pahayag niya: “If there’s any silver lining dito, is maybe they can use what happened sa akin as a cautionary tale.
“’O, you know, what happened to Gil, what happened to him…'
"At least now, siguro by this time mga managers, parents, teachers, have probably warned their kids, whatever, ‘Hey, this can happen to you if you’re not careful.’
“So, yun lang. They can use this whole negative experience as way to be positive to other people.”
VIDEO SCANDAL, AN ORGANIZED CRIME
Lumalabas sa imbestigasyon na “organized crime” ang pambibiktima sa mga male celebrity para makipagtalik sa isang babaeng kasapi umano ng isang grupong nasa likod ng krimen.
Lihim kasing kinukunan ng video habang nangyayari ang pagtatalik, at pinagkakitaan ang private videos sa pamamagitan ng pagbebenta nito online.
Ito ang rebelasyon ni Bryan Diamante, isang film producer, kunsaan isa sa kanyang talents ay biktima rin ng scandal, si Ron Angeles.
Ang imbestigasyon ay isinagawa ng Cybercrime Investigation and Coordinating Center (DICC), isang attached agency ng Department of Information and Communications Technology.
Bukod kina Gil at Ron, nadawit din sa scandal sina Arron Villaflor, Nico Locco, Andre Cue, at Nikko Natividad.
Karamihan sa kanila ay nagsalita na at umamin sa kontrobersiya bilang mga biktima.
Read: Investigation results about sex video scandal, nakakagulat!
