Pinalagan ni Jerald Napoles ang isang netizen na sinabihan siyang "buntisin" na niya ang asawang si Kim Molina.
Ayon sa screenshot na kumalat sa social media, makikitang sinagot ni Jerald ang nasabing netizen.
Pinagsabihan niya itong igalang si Kim at irespeto ang desisyon nito kung kailan magbubuntis.
Komento ng netizen: "Jerald Napoles buntisin mo para mawala kembot hahahah"
Sagot dito ni Jerald: "paki galang yung asawa ko kung makautos ka ng buntisin walang respeto eh.
"Choice ng asawa ko kung kelan niya gusto. Her body, her choice."

Read: Love, Mom: Belle and Andrea Brillantes
KIM MOLINA REACTS TO HUSBAND JERALD'S POST
Sa kanyang Facebook noong May 9, 2026, ibinahagi ni Kim ang screenshot ng sagot ni Jerald sa netizen.
Pinuri ni Kim ang mister.
Mabuti na lang daw at nandiyan si Jerald na handang magtanggol sa kanya.
Saad ni Kim, "When people go beyond overboard na para bang wala akong choice.. Buti na lang nandyan ka, Jerald Napoles. Forever grateful for you."
Nagpasalamat din si Kim sa suporta ng maraming netizens sa kanya.
Ibinahagi raw niya ang sagot ni Jerald sa netizen upang ipakita kung gaano kaimportante ang mga taong sumusuporta sa ating mga desisyon.
Hindi lamang daw ito nanggagaling sa karelasyon kundi sa mga magulang, kapatid, at kaibigan.
Saad ni Kim, "Super appreciate all your kind words. Hindi ko na talaga pinapansin mga negative comments and bash, but I shared my husband’s reply to show how important it is to have people we love, support us in decisions we make for ourselves. Importante yun.
"Kung hindi man from a partner, but also from parents, kapatid, o kaibigan. We need to respect each other’s wishes and personal goals — (100 percent emoji)"

Paglilinaw ni Kim, hindi niya layuning magpaka-sexy or magpakapayat. Ang nais lang daw niya ay maging healthy ang kanyang pangangatawan.
Kaya raw siy nagwu-workout ay dahil kung darating man ang araw na handa na silang madagdagan ang kanilang pamilya, handa na rin ang kanyang pangangatawan.
Sabi ni Kim: "I’m not trying to be fit just to be 'sexy'. Not to be 'skinny' — but to be HEALTHY. I aim to inspire women like me who find it hard to maintain a healthy lifestyle. Working on myself now, trying to be open, sharing my progress.
"Doing my best to stay fit and ready para sa kung ano mang plano naming personal ng asawa ko in the future. Mga planong sa amin na lang, that hopefully people respect.
"Thanks for reading this. It’s long, but thanks for your time Good vibes pa rin"

Read: The Miss Philippines 2026 winners
Ikinasal sina Jerald at Kim noong March 1, 2026 sa Amorita Resort, Panglao, Bohol.
Read: Kim Molina’s wedding march truly “a walk to remember”
