Bakas sa mukha at ngiti nina Heart Evangelista at John Prats ang kasiyahan sa muli nilang pagkikita.
Noong May 9, 2026, naging panauhin ni Heart ang dati niyang nobyong si John sa lifestyle at reality show ng aktres na Heart World.

Dito, binalikan ng dalawa kung paano nagsimula ang kanilang pagkakaibigan na kalauna’y nauwi sa pag-iibigan.
Read: Agot Isidro slams 13 senators who voted for Alan Peter Cayetano
Sabi ni John: “The first time na na-meet kita nasa autograph signing kami. Kasi si Heart, hindi siya part ng G-mik! noong time na yon.
“So, sabi namin, 'Sino ba itong maarte na ito?'"
Nagsimula ang karera sa showbiz ni Heart nang i-launch siya bilang bahagi ng Star Circle Batch 9 noong 2001.
Kalaunan ay napasama siya sa youth-oriented show na G-mik! at naging kapareha si John.
Ang G-mik! ang unang show ni Heart sa ABS-CBN.
Pagbubunyag ni Heart, bago pa man siya pumasok sa showbiz ay crush na niya si John.
Natatawang pagbabalik-tanaw ni Heart: “Before that kasi, crush na kita. First crush talaga.
"And then, ang sama-sama ng loob ko kasi may article sa StarStudio na sinabi mo crush mo si Joyce Jimenez.
"And I found this girl, sa deodorant commercial na pretty.
"So when they gave me a role sa StarStudio, I acted like a fanatic.
"Tapos napaka-serious niya. Sabi ko, 'Shocks ang guwapo niya!' Pero hindi niya talaga ako gusto, ayaw niya sa akin.”
Paliwanag naman ni John, noong panahong iyon ay gusto niyang mag-focus bilang solo artist.
Pahayag niya: "Masaya ako sa aspeto na mag-isa lang ako, wala akong ibang iniisip.
"Kasi noong time na yon si Camille [John's sister], Stefano, at Miko ove triangle; then Carlo and Angelica.
Sina Camille Prats, Stefano Mori, Miko Samson, Carlo Aquino, at Angelica Panganiban ay ilan sa kasamahan nina John at Heart sa G-Mik.
Pagpapatuloy niya, "Tapos ang daming pina-try sa akin na loveteam, like Sarah Christophers, and then we had that audition for my loveteam na nagulat ako."
Sa puntong ito, inamin ni Heart na isa siya sa mga nag-audition para maging ka-loveteam ni John.
Ani Heart, "Pumila ako ng ilang oras nun. Talagang pinilahan ko yon 'coz I really wanted to be your loveteam. As in, dying.
"So, talagang hinope ko, [buti na lang] pumayag ka."
Read: Heart Evangelista recounts audition journey in ABS-CBN
Sundot naman ni John: "Hindi ako pumayag, parang may nakita sila sa ating dalawa na physically nag-jive.
"Kasi talaga, nung loveteam namin, wala kaming formula nung time na yon.
"Nag-match yung kanal ko sa sosyal niya. Nag-match yung ganoong dynamics."
Heart and John admit they were each other’s first love
Sa nasabing panayam, parehong inamin nina Heart at John na first love nila ang isa’t isa.
Aminado si John na hindi niya naiparamdam nang maayos ang pagmamahal niya noon dala ng kabataan.
Pahayag ng actor-director: "First girlfriend ko si Heart. [Noon] kasi wala akong idea kung paano maging boyfriend.
"Nag-meet kasi kami ni Heart, I was sixteen, fifteen, ganyan.
"Pero before nun, lumalandi rin naman ako, kasi lalaki ako, e.
"Pero dati kasi, over the phone, kasi hindi ako nakakalabas, ayun lang yung landi ko. Tapos kapag sinasagot na ako, natatakot na ako.
"Noong kami ni Heart talaga, ayun yung wala akong choice but to have her around.
"Noong naging kami, first time lahat. First time lahat ng pakiramdam, so hindi ko alam kung paano ibabalik yon sa kanya.
"Actually, yung pagkikita namin, effortless, kasi nga Monday to Sunday, we work together."
Read: Heart Evangelista's make-up must-haves
Dala ng kabataan, kung babalikan daw ni John ang lahat ng ipinaramdam sa kanya noon ni Heart ay nagi-guilty siya kung bakit nito hinayaang masaktan niya ang aktres.
Gayunpaman, sa lahat ng kanyang ginawa't ipinaramdam, proud daw si John na hindi nag-iba ang tingin at trato sa kanya ni Heart.
Saad niya kay Heart: "Sorry kung hindi ko nasasabi nung time na yon.
"Pero ngayon na tumanda na tayo, nagkaroon na tayo kahit papaano ng wisdom in our lives, doon na nakapag-look back and appreciate those things.
"Sabi ko nga, sa lahat ng naging ex-girlfriend ko, kay Heart ako walang masasabi. Wala akong masabi kasi siya talaga yung very giving, understanding, thoughtful.
"Simula noon, parang ako pa nga yung masama in a way na, you know, yung time na yon hindi kasi ako appreciative. I was really young, e. Playful."
Heart and John revisit memories of their breakup
Muli ring binalikan ng dalawa ang kanilang paghihiwalay.
Ayon kay Heart, kasagsagan ng kanilang kasikatan bilang loveteam ang panahon ng kanilang breakup.
Pagbabalik-tanaw ng aktres: “When the loveteam became officially hot, that’s when we broke up, in a sense.
"Ako, nagka-non-showbiz boyfriend ako, siyempre dinadala ko sa taping. Ganti-gantihan lang naman."
Aminado naman si John na labis siyang nasaktan at naapektuhan nang makitang may dinadala nang ibang lalaki si Heart sa set.
Inamin niyang dumating siya sa puntong nagsisisi siyang makipag-break kay Heart.
Base sa kuwento at gawi ng pagkukuwento ni John, lumalabas na siya ang nakipaghiwalay noon sa aktres.
Lahad niya: "We are loveteam for three or four years, I was young. Tapos parang dumating ako sa point na [nagtanong ako], 'Ito na ba yon. Kami na ba talaga?'
"Then I wanted space. Tapos noong ibinigay niya, after a week, doon ko lang na-realize na hindi ko pala talaga kaya.
"And then, ayun yung biggest turning point ko na noong ako na yung babalik, ayaw na niya.
"Hindi na niya ako gustong maka-work, iba na. After niyan, ginawa na niya yung Ang Panday."
Taong 2005 nang pagbidahan ni Heart ang Ang Panday, kung saan nakapareha niya ang ex-boyfriend ding si Jericho Rosales.
Pagpapatuloy ni John: "And then I was on my own, bumalik ako sa dancing ko noon. Doon na nagsimula yung survival era ko, that I had to do everything to survive.
"I was really hard, kasi yung rock mo before, wala na e. Ayun na yung loveteam ko na naging last loveteam ko. Kasi sabi ko, 'Ayoko na.'
"Because noong nakikita ko siya, hindi na pareho."
Sa huli, humingi ng paumanhin si John sa lahat ng tagahanga ng tambalan nila ni Heart na JoHeart.
Aniya, "Kung iisipin ko yung magandang Heart na memories ko, siyempre kasi ako yung sumira, aaminin ko na.
"Pasensya na po sa mga JoHeart fans."
Read: John Prats career downfall after breakup with Heart Evangelista
