Masuwerte raw ang aktres na si Yasmien Kurdi na napangasawa niya si Rey Soldevilla Jr., isang piloto.
Ayon kay Yasmien, malaki ang naging sakripisyo ni Rey lalo na nang may matinding pinagdaanan ang panganay nilang anak na si Ayesha sa dating pinapasukan nitong school.
Nag-leave daw ng ilang buwan si Rey sa trabaho para tutukan ang kalagayan ni Ayesha, lalo na noong lumipat ito ng eskuwelahan at kailangan nitong bumalik sa Grade 7 at tapusin ito ng ilang buwan lamang.
Lahad ni Yasmien: "So in two, three months, kailangan niyang tapusin lahat.
"Si Daddy Rey yung nag-focus sa kanya. Si Daddy Rey yung nagturo sa kanya para matapos namin yung two, three months na yun. Alam mo yun?
"Mahirap siya for Ayesha kasi yung sacrifices na kailangan niyang pagdaanan. Alam mo yun?
"Siya pa yung naagrabyado, siya pa yung grabe, as in talaga. Yung pain, lahat, grabe sa anak ko."
Ayon kay Rey, iba pa rin yung nakagabay sila sa mga bata habang lumalaki.
Pagsang-ayon ni Yasmien, "Oo, oo. Kasi siyempre yung mundo ngayon, e.
"Nandiyan na yung social media, nandiyan yung ano, iba't ibang issues na kailangan harapin.
"Hindi na katulad dati, books lang tayo, uwi sa bahay, manonood lang tayo ng ano, hindi ko alam, mga Cardcaptor Sakura [manga series].
"Tapos gagawa ng assignment, matutulog. Ganun lang yung naalala kong high school.
"Pero right now, it's really different. Daming games. Daming mga temptation, et cetera.
"So, it's important to really be present for your kid to know what's happening. Kasi ikaw yung magiging guide niya, e.
"Ikaw yung magsasabi sa kanya kung tama ba or mali, or ano ba ang kailangang gawin in case na hindi niya alam kung ano yung gagawin niya. Siyempre, bata.
"Ikaw yung nandun to guide the child."
Kaya malaki raw ang pasalamat ni Yasmien na nagkaroon siya ng asawa at katuwang sa pagpapalaki ng dalawa nilang anak na sina Ayesha at Raya.
Pagmamalaki niya: "Oh, yes, I'm very blessed to have a husband that's super, you know, mahal na mahal ko siya. Naging, naging love story.
"Mahal na mahal ko yan, as in talaga. Kung alam niyo lang gaano katalino si Rey, gaano ka-okay sa decision-making.
"He's actually... he's actually a perfect husband. Wala na akong masasabi. He's really, really good."
Eksklusibong nakausap ng Real Talk ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Yasmien noong May 6, 2026 sa bahay nila sa isang subdivision sa South.
Read: Yasmien Kurdi pursues law degree to protect and defend her family
YASMIEN, REY TAG TEAM IN GUIDING THEIR KIDS
Bilang mga magulang, sinisikap daw nina Yasmien at Rey na palaging may oras sa mga bata.
Saad ni Yasmien: "Kami kasi, as parents, we... siyempre, we try to be present for our kids.
"And at the same time, we become their ano, parang nakikinig? Gusto namin yung nakakausap nila kami sa lahat ng bagay.
"So, nagiging friend... di naman friend, kundi naging parent pa rin kami pero at the same time, yung kahit ano puwede nilang sabihin sa amin. Parang barkada in a way.
"Kung makikita mo kami all together dito, minsan naglolokohan. Araw-araw, naglolokohan kami araw-araw.
"Pero I think very ano naman siya, happy naman, like, super happy naman.
"Like, we, we just talk about anything. Walang hiyaan."
Sa ngayon, nagbabakasyon ang buong pamilya nina Yasmien at Rey sa Paris, France.
![[L-R] Ayesha, Rey Soldevilla, Yasmien, and youngest child Raya at the Louvre Museum in Paris, France.](https://contents.pep.ph/images2/images2/2026/05/18/yas-insert-1779069439.jpg)
Mananatili sila sa France ng ilang araw bago tumulak sa dalawa pang European countries kung saan sila magpapahinga at magba-bonding ng halos kalahating buwan.
Read: Yasmien Kurdi recalls being a girl who refused to be bullied
