PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Cristine Reyes now engaged to Gio Tingson

...after almost a year of dating.
by Arniel C. Serato
Published 8 hours ago
Cristine Reyes is engaged!
Cristine Reyes on engagement to Gio Tingson: "Endgame unlocked."
PHOTO/S: Instagram / @ianbuen

Engaged to be married na sina Cristine Reyes at Gio Tingson.

Ngayong gabi ng Miyerkules, May 20, 2026, nagbahagi si Cristine sa Instagram ng carousel of pictures nila ni Gio habang nagbabakasyon sa Hong Kong.

Sa isang larawan, masayang ipinakita ni Cristine ang kanyang daliri na may engagement ring.

Cristine Reyes shows her engagement ring in one of their photos with Gio Tingson in Hong Kong.
Cristine Reyes happily flashes the engagement ring given by Gio Tingson in Hong Kong.
Photo/s: Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sabi niya sa caption, "every timeline led here. endgame unlocked. [ring emoji]"

View this post on Instagram

A post shared by Cristine (@cristinereyes)

Sa comments section ng kanyang post ay nagpaabot ng pagbati ang ilan sa celebrity friends nila.

Congratulatory messages for Cristine and Gio
Congratulatory messages for Cristine and Gio
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: BLIND ITEM: Prized talent, nakipag-meeting sa network executives

CRISTINE CALLS GIO "THE RIGHT PERSON"

Sa isang event sa Shangri-La at the Fort sa Bonifacio Global City noong October 15, 2025, sinabi ni Cristine na "very, very happy" ang estado ng kanyang buhay pag-ibig.

Tinawag pa nga niya si Gio na "the right person."

Ang eksaktong linya ng aktres: “Super happy, and it's different when you know you're with the right person in your life."

Read: Cristine Reyes calls Gio Tingson "the right person"

Sa The Sexytime Podcast nina Isabelle at Ava Daza noong April 28, 2026, inamin ni Cristine that time na may karelasyon siya, pero hindi pa niya noon pinangalanan.

Saad niya, "You know what? Siya ang unang-unang lalaking nanligaw sa akin. Grade school kami nun."

Si Cristine ay nag-aral ng elementary sa dating all-girls school na St. Bridget School sa Quezon City, na malapit lang sa dati ring all-boys school na Ateneo Grade School, kung saan nag-aral si Gio.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Bago sila nagkakilala, sanay raw si Cristine na puro babae lang ang nakakasalamuha kaya wala siyang konsepto ng paghanga sa opposite sex at that time.

Hanggang sa niyaya raw siya ng ilang mga kaibigang dumalo ng Ateneo school fair, at pumayag naman siya.

Ang kuwento niya, "Tapos hinila nila ako sa marriage booth.

"So sabi ko, 'Ano ito?' Parang medyo doon nag-change yung heart ko na parang, 'Boys? Ang cute pala nila!'"

Nagkaroon pa nga raw noon ng eksenang "kasalan" sa pagitan niya at sa batchmate ni Gio, na siyang umaktong pari sa marriage booth.

Dagdag niya: "So doon kami nagkakilala, and then after nun, shy na ako. Alis ako agad. Little did I know, hinanap niya ako sa buong campus.

"Tapos hiningi daw niya yung number ko. Hindi ko na maalala. Siya lang nagpa-remember sa akin.

"Ang binigay ko daw na name was Agent Orange 'cause I was wearing orange shirt tapos ang usong kanta noon, yung Slapshock na 'Agent Orange.'

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Tapos after nun, nanligaw na siya sa school."

Ngunit binasted daw noon ni Cristine si Gio.

Ang sinagot ng dalaga ay ibang suitor—taga-La Salle.

"So hanggang ngayon, meron siyang bubog sa akin.

"Tapos sabi ko sa kanya, 'Hindi talaga tayo magiging tayo noon kasi we're meant to be now.'"

Nagsimula ang sightings sa dalawa noong July 2025.

Read: Cristine Reyes reveals she rejected current BF in grade school

February 1, 2024, inamin ni Cristine na annulled na ang kasal nila ng ex-husband na si Ali Khatibi.

Read: Cristine Reyes Admits Annulled Marriage to Ali Khatibi

Bago naging sila ni Gio, nakarelasyon ni Cristine ang aktor na si Marco Gumabao.

Read: Cristine Reyes, Marco Gumabao unfollow each other on Instagram

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Cristine Reyes on engagement to Gio Tingson: "Endgame unlocked."
PHOTO/S: Instagram / @ianbuen
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results