Hindi pinalampas ni Barbie Imperial ang akusasyon ng ilang netizens na ginagaya niya umano si Sarah Lahbati.
Si Sarah ang estranged wife ng nobyo ngayon ni Barbie na si Richard Gutierrez.
Read: Raymond Gutierrez refutes Sarah Lahbati’s financial support claim
Noong May 20, 2026, nag-post si Barbie sa Facebook at Instagram ng larawan niya habang siya'y nasa harap at sakay ng kanyang Toyota Land Cruiser Prado 250.
"Big toy for a small girl," simpleng caption dito ng aktres.

Mabilis na dinumog ng mga intrigra ang post na ito ni Barbie, lalo na't napansin ng ilang netizens ang pagkakahawig ng post niya sa naunang post ni Sarah.
Noong May 12, ibinahagi ni Sarah sa kanyang social media ang mga larawan niyang sakay at nasa harap ng Crossover SUV niyang Mazda CX-90.

Caption dito ng estranged wife ni Richard: "Mazda girl summer.
"The cx-90 has made every drive with my kids feel a little calmer, softer, and more special lately."
Netizens call out Barbie for allegedly copying Sarah
Sa comments section ng post ni Barbie, may ilang netizens na nagkumpara sa kanila ni Sarah at inakusahan siya ng panggagaya.
Mababasang comment ng isang netizen, "Hahahaha tinatapatan ang luxurious style ni Sarah."
Bintang pa ng isa, "Gaya-gaya, nag-flex lang si Sarah, nag-flex kana din."
May iba ring netizen na ini-tag pa si Sarah at nagsabing, "Sarah Lahbati, idol ka nito ginaya kasi mga post mo."
May mga tagahanga rin si Sarah na binalikan ang luxurious car post niya para isumbong sa kanya ang umano'y panggagaya ni Barbie.
Sumbong ng isa niyang fan, "Nag-post na din yung isa ng kotse niya whahahaha mas classy ka pa rin queen Sarah."
Saad pa ng isa, "Nag-post din yung isa ng car. Totoo talaga ang kasabihan na you can't buy class."
"Hala ang classy, ang layo don sa hahaha," dagdag pa ng isa.
Barbie answers critics WHO CALLED her “manggagaya”
Hindi pinalampas ni Barbie ang mga bintang laban sa kanya.
Sa comments section ng kanyang Facebook post, iginiit ng Kapamilya actress na hindi niya ginagaya si Sarah.
Ayon kay Barbie, matagal na niyang pagmamay-ari ang kanyang sasakyan at bahagi lamang ng car sponsorship campaign ang post niya.
Pahayag ni Barbie, "I was paid to post this for Ridemax. I had my LC250 last year pa.
"This was shot last month pa and I was told to post this pic this week."
Read: Barbie Imperial now a proud Land Cruiser owner
Diin pa niya, "I think I'm allowed naman to post my car sponsorships.. wag issue."

Barbie denies being the reason for Richard-Sarah breakup
Hindi lingid sa kaalaman ng iba na matagal nang iniisyu sina Barbie at Sarah.
Nagsimula ito nang ma-link si Barbie sa hiwalayan nina Sarah at Richard.
Ngunit sa isang panayam noong February 2026, nanindigaan si Barbie na wala siyang anumang kinalaman sa hiwalayan ng dating mag-asawa.
Hiwalay na raw noon sina Richard at Sarah nang pumasok siya sa buhay ng aktor.
Read: Barbie Imperial denies being the reason for Richard-Sarah breakup
Noong January 19, 2026, inaminin nina Barbie at Richard sa publiko ang kanilang espesyal na relasyon.
Read: Richard Gutierrez, Barbie Imperial admit “private relationship”
March 1, 2024 naman nang kumpirmahin ni Sarah na hiwalay na sila ni Richard, ang ama ng dalawa niyang anak na sina Zion at Kai.
Read: Sarah Lahbati finally confirms breakup with husband Richard Gutierrez
