Nanindigan ang Kapamilya actress na si Barbie Imperial, 27, na hindi siya ang dahilan ng paghihiwalay ng mag-asawang Richard Gutierrez, 42, at Sarah Lahbati, 32.
Sa panayam ni Barbie sa YouTube vlog ni Ogie Diaz nitong Martes, February 3, 2026, ibinahagi nito kung paano niya hinarap ang kaliwa’t kanang batikos na ipinukol sa kanya ng publiko matapos maignay sa aktor.
Read: Sarah Lahbati finally confirms breakup with husband Richard Gutierrez
Ayon kay Barbie, hiwalay na sina Richard at Sarah nang pumasok siya sa buhay ng aktor.
Kung tutuusin, noong unang naispatan daw sila sa isang gastropub sa Alabang, Muntinlupa, ay hindi pa sila magkasintahan.
Read: Richard Gutierrez, Barbie Imperial at gastropub in Alabang
Pahayag ni Barbie: "Yung amin po ni Richard, nag-start noong nagpunta kami ng Tipsy Pig, kasi part-owner po doon, kami nila Neil Arce.
"Pumunta po si Richard to support Tipsy Pig for Neil Arce. Doon nagkakilala kami, tapos may video na agad, e, nagtsitsikahan pa lang kami nun.
"Kinaumagahan, ang dami nang nagagalit, which is for me naman it's also valid, because yung dalawa [Richard and Sarah] shared eleven beautiful years.
"Kung netizen ka and nakikita mo yon, magtataka ka rin."
Read: Barbie Imperial posts Bible verse about “truth”
Nanindigan si Barbie na malinis ang kanyang konsensiya dahil wala siyang kinalaman sa hiwalayan ng dalawa.
Aniya: "Kung ano man po yung naging rason ng hiwalayan nilang dalawa, masasabi ko po at alam ng Diyos po na hindi po ako yon.
"Alam po ng buong showbiz yan, yung mga nakakakilala kay Richard, kay Sarah, and sa akin.
"Si Sarah and Richard, alam po nilang pareho kung ano ang reason ng hiwalayan nila.
"Alam rin po nila pareho na hindi po ako yon. At kung anuman po yon, siyempre hindi ko na po istorya yon.
"At respeto ko po yon kay Sarah, kay Richard, at sa dalawa po nilang anak."
Read: Richard Gutierrez admits annulment process with Sarah Lahbati
Hindi na idinetalye ni Barbie ang nalalaman niya sa ugat ng hiwalayan ng dalawa, ngunit sinabi niyang hindi na magkasama sa iisang bahay sina Richard at Sarah nang pumasok siya sa eksena.
Saad niya: "Ang alam ko po noon ay separate house na sila. Separate na talaga lahat.
"At feeling ko naman, kung inagaw ko si Richard kay Sarah, e, magagalit talaga siya sa akin.
"Alam mo yon? Yung may sasabihin siya about me, babae siya. At feeling ko kung ako rin inagawan, ipo-post ko talaga.
"Pero si Sarah, alam naman niya yung rason. And kapag nagkikita kami sa Aivee [Clinic] nag-i-smile naman kami sa isat isa."
Read: Barbie Imperial's comment on Sarah Lahbati's post resurfaces
Barbie admits relationship backlash with Richard affectED her mental health
Sinabi rin ni Barbie na labis nakaapekto sa kanyang mental health ang maling paratang ng publiko tungkol sa pagiging third party niya sa relasyon nina Richard at Sarah.
Sabi niya: "Feeling ko po ang pinakamalalang bashing sa akin, itong relationship ko with Chard.
"Dito po yung medyo na-depress talaga ako.
"Hindi po ako makagpasalita nung time na yon kasi siyempre parang ayoko rin po makakuha ng reaction from Sarah.
"Ayoko po mag-trigger-an kami.
"Parang hinahayaan ko lang yung panahon na makapag-forgive sila sa isa't isa. Gumaan yung loob ng mga taong involved.
"Kasi kung magsalita ako, baka may mag-react, makagulo [pa lalo]."
Read: Richard Gutierrez shrugs off "cheaters" label on Incognito cast
Ayon kay Barbie, mas inisip niya noon ang posibleng epekto ng isyu sa mga anak nina Richard at Sarah kung ipagtatanggol niya agad ang sarili laban sa mga akusasyon ng publiko.
Saad niya: "Tsaka hindi po ito simpleng relasyon na kami kami lang, may mga batang maaapektuhan.
"Ayoko rin po mag-iba yung tingin ng mga bata sa akin.
"Honestly, nagagalit nga ako sa sarili ko noon kasi alam ko namang wala akong inagaw, pero ganito [yung binabato sa akin].
"Pero yung time na yon, parang hindi ako puwedeng sumagot kasi may mas malaking responsibilidad, may mga batang lumalaki na dapat yung mindset nila is maayos."
Ang tinutukoy na "mga bata" ni Barbie ay ang dalawang anak ni Richard sa estranged wife niyang si Sarah—sina Zion, 12, at Kai, 7.
Read: Richard Gutierrez, Barbie Imperial admit “private relationship”
Barbie’s Relationship With Richard’s Sons and Mother
Sa huli, ipinagmamalaki ni Barbie na maayos ang relasyon niya sa pamilya ni Richard, lalo na sa mga anak nito at inang si Annabelle Rama.
Lahad niya: "Maayos po silang napalaki ni Chard and ni Sarah.
"Sobrang mabait po yung mga bata. Sobrang marespeto.
"Kay Tita [Annabelle] naman, noong una parang takot na takot ako sa kanya, tapos ang bait-bait [pala] niya.
"Mabait siya. Feeling ko kapag hindi ka niya gusto or may nagawa ka sa mga anak niya [doon lang siya magtatapang].
"Gaya ng ibang magulang, kapag nasasaktan yung mga anak nila, nandiyan sila to defend."
Read: Annabelle Rama hints at identity of Chucky: "Hindi S. E!!!"
Sundot na tanong sa aktres, "Ano ba ang nakita mo kay Richard na napasabi kang, 'Ay, ibang klase to?'"

Mabilis na sagot ni Barbie: "Grabe siya mag-aalaga, grabe mag-effort at hindi ka niya susukuan kapag mahal ka niya.
"Nandiyan siya... Tsaka alam niya kung kailan ako hindi okay.
"Kasi, di ba, kapag independent ka, kapag breadwinner ka, ie-expect mo na ang iisipin ng ibang tao is okay ka lang.
"Pero si Chard, isang kibo o lakad ko lang, alam niya na hindi ako okay, at nandiyan siya."
Read: Ruffa Gutierrez praises Barbie Imperial's spicy dishes
