Walang mapagsidlan ang saya ng comedienne na si Rufa Mae Quinto nang malamang umabot na sa Japan ang iconic catchphrases niyang “Go go go!” at “Todo na ’to!”
Ipinost ni Rufa Mae sa kanyang Instagram nitong Lunes, May 25, 2026, ang video clip mula sa Japanese variety show na Chidori's Oni Renchan.
Read: Rufa Mae Quinto opens up about coping with husband's death
Sa naturang clip, binanggit ng Japan-based Filipino singer na si Beverly ang sikat na catchphrases ni Rufa Mae na “Go go go!” at “Todo na ’to!”

Celebrity guest si Beverly sa nasabing variety show.
Bahagi ng programa ang pagbabahagi ng mga gag o punchline mula sa kanilang mga iniidolong personalidad.
Pahayag ni Rufa Mae tungkol sa paggaya sa kanya ni Beverly: "Omg! Yes, sa Japan… they recognize us Filipinos especially our go go go and todo na to…in life.
"Saya ko po."
Beverly reveals admiration for Rufa Mae
Sa comments section ng post ni Rufa Mae ay nagkomento si Beverly.
Ayon kay Beverly, masugid siyang tagahanga ng komedyante kaya naman sa tuwing hinihingan siya ng Filipino gag ay ang mga banat ni Rufa Mae ang agad niyang naiisip.
Read: Pinoy slang made popular by celebrities
Komento ng Japan-based Filipino singer (published as is): "Omg hi @rufamaequinto!! I’m a big fan of yours!! And when they ask me a Filipino gag, the only choice IS YOU!
"Lol I always watch your videos on Socmed.
"Thank you for always making all of us laugh and have good vibes GO GO GO!!"
Sa panayam ni Rufa Mae sa Fast Talk with Boy Abunda noong September 8, 2023, ibinahagi niya ang pinagmulan ng kanyang mga sikat na linyang “Go go go!” at “Todo na ’to!,” na pumatok sa masa at minahal ng marami niyang tagahanga.

Saad niya: “Go go go, kasi nga di ba ang buhay ko, parang ang hirap ng mga ganap... yung mga pinagdaanan ko sa buhay.
“So, sabi ko na lang, sa sobrang drama at lungkot, ‘Go go go! Fight, fight, fight."
Ayon kay Rufa Mae, swak din ang linyang ito bilang payo sa mga taong may pinagdaraanan.
"Go, go, go! Kasi parang in life nga, kailangan mo na lang itawid, ituloy mo lang kung ano yan.
"Basta alam mong naniniwala kang maganda ito, tama ito, feel mo ito — go, go go! Fight, fight, fight!
"Wag tayong tumigil," aniya pa.
Samantala, ang “Todo na ’to!” ay nagmula naman daw sa mga kasamahan niya sa trabaho kapag pagod na pagod na sila sa taping.
Lahad ni Rufa Mae: "Di ba, kapag nagte-taping tapos kapag busy ka sa showbiz, walang tulog, puyat lahat, so minsan sa set, yung iba natutulog na sa gitna ng shooting.
"Parang gusto kong bilisan. So, parang sabi ko, 'Kilos na tayo para matapos na, makauwi na.'
"In short, todo na ‘to, mga tol!"
Read: Did Ashley Ortega just confirm Kathryn-Mark relationship?
