Excited na ang aktor at direktor na si Boy2 Quizon na maipapalabas sa big screen ang pelikulang Home Along Da Riles: Da Reunion na pinaghirapan nila ng cast at creators nito.
Kasama kasi sa pelikula ang original cast ng iconic sitcom ng ABS-CBN na umere noong dekada '90.
Kabilang sa original cast ng sitcom sina Dolphy, Nova Villa, Bernardo Bernardo, Cita Astals, Dang Cruz, Vandolph, Gio Alvarez, Smokey Manaloto, Maybelyn dela Cruz, at si Boy2.
Isa rin daw itong tribute movie sa namayapang King of Comedy na si Dolphy, ang kanyang lolo sa totoong buhay.

Read: Boy2 Quizon brings back Cita Astals for Home Along Da Riles movie
Boy2 says the movie is claudine barretto's big screen comeback
Sa fashion show na "Petals & Poetry" sa The Blue Leaf Events Pavilion last May 23, 2026, nakakuwentuhan ng media si Boy2 tungkol sa pelikula.
Ano ba ang aasahan ng mga manonood na nakasubaybay noon sa sitcom?
Kuwento niya, "Well, of course, definitely, it's a tribute.
"Alam mo yung feeling na makaka-relate ka kasi alam mong meron kang mahal sa buhay na nakasama mo noong time na yun.
"And it's play for truth. Definitely hindi namin ginawa to para i-surpass din yung dati.
"Definitely, walang tatalo dun sa dati."
Ipinaliwanag din ni Boy2 na layunin ng pelikula na ipakita kung kumusta na ang cast ng Home Along ngayon at magdala ito ng nostalgic vibes sa mga batang pinalaki ng sitcom noong '90s.
"Pero, we want it to be, gusto lang namin maging play for truth.
"It's something na gusto rin namin ipakita kung anong nangyari doon sa mga anak ni Tatay Kevin.
"And feeling namin yung pagiging totoo na yun ay sana magawa namin ng maganda yung reunion para sa lahat."
Ang tinutukoy niyang Tatay Kevin ay ang ginampanang iconic role noon ni Dolphy.
Ang reunion movie ng cast ay pagbabalik-pelikula rin ng aktres na si Claudine.
Nang tanungin kung kumusta katrabaho si Claudine, sagot ni Boy2: "Sobrang okay. Maraming naka-miss kay Ate Claudine.
"And very... ayoko i-preempt pero definitely eto na yata yung parang masasabi ko na part na parang hinihintay ng tao po from her.
"Definitely makikita niyo yung very good spirit.
"Makikita mo sa energy ng bawat isa. Isa to sa mga feeling kong, 'Ah, eto yun. Eto yung project na hinihintay ni Ate,' parang ganun."
Ipapalabas na sa mga sinehan ang Home Along Da Riles: Da Reunion sa darating na June 17, 2026.
View this post on Instagram
Read: Home Along Da Riles: Da Reunion set as Father’s Day tribute film
