PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Daniel Padilla on girlfriend Kaila Estrada: "We just are."

Daniel Padilla on girlfriend Kaila Estrada: "No ifs, woulds, coulds, shoulds."
by Arniel C. Serato
Published 8 hours ago
Daniel Padilla on girlfriend Kaila Estrada: "Its just is. And we just are."
Daniel Padilla and Kaila Estrada are now Instagram official: "There are no ifs, woulds, coulds, shoulds. Its just is. And we just are."
PHOTO/S: Instagram

Nag-level up na talaga ang relasyon nina Daniel Padilla at Kaila Estrada dahil hayagan. na nilang pinapakita kapag magkasama sila sa ilang pampublikong lakaran.

Sa Instagram ngayong araw ng Sabado, May 30, 2026, nagbahagi si Daniel ng carousel of pictures niya ng mga ganap sa buhay niya nitong mga nagdaang araw.

Ang ilan dito ay larawan niya at ni Kaila na magkahiwalay ngunit halatang nasa isang golf course sila.

Kaila Estrada while riding on a golf cart as shared by boyfriend Daniel Padilla on Instagram.
Kaila Estrada while riding on a golf cart as shared by boyfriend Daniel Padilla on Instagram.
Photo/s: Instagram
ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sa isa pang larawan makikita namang nakaupo si Daniel sa isa pang golf cart habang nagsi-selfie.

Daniel Padilla taking a selfie while riding in one of the golf carts.
Daniel Padilla taking a selfie while riding in one of the golf carts.
Photo/s: Instagram

Matalinghaga naman ang caption ng 31-year-old Kapamilya actor na waring nagpapahiwatig sa masayang estado ng relasyon nila ngayon.

Buong sabi niya, "There are no ifs, woulds, coulds, shoulds. Its just is. And we just are."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Komento ni Luigi Muhlach tungkol sa post ni Daniel, "Yung isa panay gallery [laughing emoji]"

Tugon ni Daniel, "HAHAHAHAHAHAHAHAHA"

Tawa lang naman ang sagot ni Kaila.

Luigi Muhlach's comment on Daniel Padilla's post

Sina Luigi at Kaila ay magkapatid sa inang si Janice de Belen. Si Kaila ay anak ni Janice kay John Estrada samantalang si Luigi ay anak niya kay Aga Muhlach.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

DANIEL PADILLA-KAILA ESTRADA RELATIONSHIP

Matapos ang ilang buwang espekulasyon sa hinihinalang namumuong relasyon ng dalawang Kapamilya star, nag-hard launch na rin sila Daniel at Kaila noong ika-31 kaarawan ng una.

Noong araw na iyon, April 26, 2026, ipinamalas nila ang pagtatangi nila sa isa't isa.

Ipinost noon ni Kaila ang litrato nila ni Daniel na magkayakap at matamis na nakangiti sa kung sino mang kumuha ng litrato.

Blurred ang larawan pero sweet ang pose nila na magkaharap sa isa't isa habang yakap nila ang isa't isa.

May background itong kantang gamit ang trending "Everything Hallelujah" ni Justin Bieber.

Kahulugan ng nasabing kanta ay ang pasasalamat at pagpupuri sa biyayang pag-ibig at pamilya na inalay ni Justin para sa kanyang maybahay na si Hailey at anak nilang si Jack sa much-talked-about performance niya sa Coachella.

Sabi naman ng netizens, tila pinahihiwatig ni Kaila ang real score sa kanila ni Daniel sa pag-post niya ng sweet photo with matching sweet love song.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Kaila Estrada's posts with Daniel Padilla during actor's 31st birthday celebration.
Kaila Estrada's posts with Daniel Padilla during actor's 31st birthday celebration.

Read: Kaila Estrada joins Daniel Padilla’s family at his birthday bash

Nakunan din si Kaila ng video na tila nag-"I love you" kay Daniel.

Read: Did Kaila Estrada say “I love you” to Daniel Padilla?

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Daniel Padilla and Kaila Estrada are now Instagram official: "There are no ifs, woulds, coulds, shoulds. Its just is. And we just are."
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results