Mariing pinabulaanan ng BINI member na si Aiah Arceta ang haka-hakang may espesyal silang relasyon ng actor-singer na si Kyle Echarri.
Noong June 2, 2026, naging usap-usapan online ang TikTok video na kuha ng isang netizen kung saan makikita si Aiah sa boarding gate ng Mactan-Cebu International Airport.
Sa video, makikita ang BINI member na nakasuot ng puting blouse, itim na shorts, puting cap, at face mask habang bitbit ang kanyang maleta.
Kapansin-pansin din ang lalaking nasa unahan niya na nakasuot ng itim na jacket at pantalon, may suot na sumbrero, at nakatakip ang mukha ng face mask.
Kinilala ng ilang netizens ang nasabing lalaki bilang si Kyle.

Dahil sa pagkakasabay ng dalawa sa airport, maraming netizens ang nagbigay rito ng ibang kahulugan.
Dumagdag pa sa espekulasyon ang isang larawang kumalat noong araw ring iyon, kung saan makikitang magkasama sina Aiah at Kyle sa isang beach sa Cebu kasama ang ilan nila umanong kaibigan.
BINI Aiah speaks up on real score with Kyle
Upang linawin ang mga espekulasyon tungkol sa tunay na estado ng kanilang relasyon, minabuti ni Aiah na magbigay ng komento sa nag-viral na video niya sa Cebu airport.
Dito, mariin niyang pinabulaanan ang haka-hakang may namamagitan sa kanila ng aktor.
Mababasang comment ng dalaga (published as is), "Kyle and I are friends and kapwa Cebuanos so no malice po."

May mga tagahanga rin si Aiah na sumang-ayon sa kanyang paliwanag.
Ayon sa kanila, nagkataon lamang na nagkasabay sina Aiah at Kyle sa airport dahil pareho silang dumalo sa BaiCon 2026.
Ito ang event kung saan nagsasama-sama ang ilang content creators, internet personalities, at digital influencers sa bansa.
Read: Kyle Echarri addresses rumors linking him to Piolo Pascual
Samantala, hindi ito ang unang pagkakataong naintriga ang buhay pag-ibig ni Aiah.
Bago maisyu kay Kyle, naugnay ang pangalan ni Aiah sa PBA player na si Caelan Tiongson ng Rain or Shine Elasto Painters.
Nagsimula ang espekulasyon sa ugnayan ng dalawa nang maispatan si Aiah na nanood ng laro ni Caelan sa PBA noong March 1, 2025.
Read: BINI Aiah thanks bashers for encouraging them to strive harder
Pagsapit ng March 3, 2025, nagsalita si Caelan tungkol sa isyung nag-uugnay sa kanila ni Aiah.
Dito, hindi niya kinumpirma kung totoo ang dating rumors tungkol sa kanila.
Sa halip, sinabi lamang niya na nagkakilala sila ni Aiah "through a mutual friend."
Bukod pa rito, sila raw ay churchmate.
Read: PBA's Caelan Tiongson reacts to rumored romance with BINI Aiah
Noong March 7, 2025, naglabas ng pahayag si Aiah sa kanyang X account kung saan inamin niyang alam niya ang mga usaping umiikot tungkol sa kanya na tila naging malaking bagay para sa iba.
Napansin din daw niyang halos lahat ng taong nakapaligid sa kanya—mga kaibigan, katrabaho, o kamag-anak—ay iniuugnay sa kanya sa iba't ibang paraan, bagay na hindi naman umano dapat.
Gayunman, hindi direktang nilinaw ni Aiah sa naturang post ang tunay na estado ng relasyon nila ni Caelan kung magkaibigan lamang ba sila o may higit pang namamagitan sa kanil
Read: BINI Aiah breaks silence amid dating rumors with Caelan Tiongson
